Bulag na matiyagang naglalako ng walis tambo, natulungan ng nagmalasakit na vlogger
- Natulungan ng vlogger na si Virgelyn ng YouTube channel na 'Virgelyncares 2.0' ang isang bulag na matiyagang naglalako ng walis tambo
- Mayroong nagpakita kay Virgelyn ng larawan ng tindero na tinutulungan ng kanyang mga nakakasalubong sa daan
- Kwento nito, nais sana niyang makaipon ng pera pampagawa ng bahay niya na nagiba
- Sapat lamang daw kasi sa pang-araw araw na pambili niya ng pagkain ang kanyang kinikita
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakapukaw ng pansin ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si 'Virgelyn' ng "Virgelyncares 2.0' ang bulag na naglalako ng walis tambo sa Bicol.
Nalaman ng KAMI na sa kabila kasi ng kapansanan nito ay matiyaga itong naglalalakad-lakad para magtinda ng mga walis.
May ilang mga netizens na una na nang nakakita sa tindero ng walis na nakilalang si Jimmy Delos Santos na tinutulungan naman ng mga nakakasalubong niya.
Sinadya talaga ni Virgelyncares si Jimmy upang ito ay kanyang kumustahin at bigyan ng tulong.
Sa kanyang pakikipagkwentuhan, nasabi ni Jimmy na nais niyang makapagpatayo ng sarili niyang matitirahan gayung nagiba na raw ito.
Kaya naman nagsusumikap siya at matiyagang nagtitinda kahit na labis na mapanganib ito sa kanyang kalagayan.
Ang pera naman na kanyang kinikita ay sasapat lamang sa pangkain niya sa araw-araw. Nasa Php10 hanggang Php20 lang kada isang walis ang kanyang porsyento.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Nang samahan nga ito ni Virgelyn sa pagtitinda, nakita ng vlogger ang hirap na dinaranas ni Jimmy sa araw-araw.
Mayroon pa siyang mga nadaraanang bangin na mapamali lamang daw ito ng lakad ay maari itong mahulog.
Umabot ang tanghali na wala pa rin na bumibili hanggang sa mayroong isang tindahan na nagmalasakit na pakyawin ang mga paninda ni Jimmy. Binigyan din siya ng merienda ng tao sa tindahan.
At nang makauwi, doon na iniabot ni Virgelyn ang surpresa niya kay Jimmya na tulong pinansyal.
Narito ang kabuuan ng nakaaantig ng pusong video mula sa Virgelyncare 2.0 YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang vlogger sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga nag-viral na natulungan ni Virgelyn ay ang dalagang si Clara Matos na hinangaan ng marami dahil sa kanyang kasipagan. Siya ang naghahanapbuhay para sa kanilang mag-ama dahil na-stroke na ito at iniwan naman sila ng kanyang ina.
Nakapagpatayo na siya ng kanilang tahanan dahil sa kanyang mga raket tulad ng online selling at paglalako noon ng merienda. May sarili na rin siyang tindahan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh