Padre de pamilya ng tinaguriang "world's largest family", pumanaw na sa edad na 76
- Pumanaw na sa edad na 76 ang padre de pamilya ng tinaguriang "world's largest family"
- Nito lamang June 13, iniwan na ni Ziona ang kanyang 39 na asawa 94 na mga anak at 33 na mga apo
- Diabetes at hypertension ang naging sanhi umano ng panghihina ng katawan nito hanggang sa tuluyang binawian na ng buhay
- Makailang beses na pumukaw ng atensyon ang kanyang pamilya sa buong mundo lalo na ang kanilang tahanan na tinawag na "New Generation House"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumakabilang buhay na si Ziona Chana ang padre de pamilya ng tinaguriang "world's largest family" na nakabase sa India.
Nalaman ng KAMI na nito lamang June 13, pumanaw si Ziona sa edad na 76 dahil sa diabetes at hypertension na naging sanhi ng pagbagsak ng kanyang katawan hanggang sa tuluyan na itong binawian ng buhay. Kinumpirma ito ng chief minister ng kanilang home state na nagpaabot ng pakikiramay sa kanyang pamilya.
Naulila ni Ziona ang kanyang 94 na mga anak. Naiwan din niya ang kanyang 39 na mga asawa at 33 na mga apo. Si Ziona ang pinuno ng local Christian sect sa kanila na "Chana."
Ang sektang ito ay nagbibigay pahintulot sa polygamy kahit na dati na itong ipinagbabawal ng India. Subalit bilang pagrespeto sa kanilang customary laws, pinayagan na ito.
Kaya naman umabot sa 167 ang miyembro ng kanilang pamilya.
Sa edad na 17 nang unang magpakasal si Ziona. Mula noon, halos taon-taon na siyang naikakasal na ang pinakamarami sa isang taon ay umaabot ng sampu.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Lahat ng kanyang kaanak ay nakatira sa mansion na kung tawagin ay "Chuuar Than Run" na ang ibig sabihin ay "New Generation House"
Matatagpuan ito sa isang remote village sa Mizoram state na nagsisilbi na ring tourist attraction sa mga dumarayo.
Mayroon itong apat na palapag at nasa 100 mga kwarto. Aakalaing mayroon laging pistahan kung sila ay magsasalo-salo sa araw- araw.
Sa isa sa mga panayam sa kanya, nabanggit niyang masuwerte umano siya sa kanyang kalagayan na pagkakaroon ng mapakalaking pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa Pilipinas naman matatagpuan ang Guinness World Record sa may pinakamaraming fast food toy collection.
Siya ay si Percival Lugue na taong 2014 pa nang makuha ang titulong ito sa pagkakaroon ng 10,000 mga laruan mula sa mga iba't ibang fast food chain.
Ngayong 2021, umabot na sa 20,000 ang kanyang mga laruan kaya naman nasa kanya pa rin ang titulo dahil sa kanyang parami nang parami na koleksyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh