Porma ng usok na nabuo mula sa sunog sa Delpan bridge, nakunan ng video
- Naaktuhan ng isang netizen ang aktwal na pagsabog na naganap umano sa Delpan bridge noong Hunyo 12
- Makikita sa video ang paghulma ng usok na tila isang korona mula sa sinasabing sumabog na cargo vessel
- Nagsimula ang apoy bandang 8:00 ng umaga at umabot pa ito sa 5th alarm bandang alas dose ng tanghali
- Bandang 3:00 na ng hapon ang tuluyang humupa ang apoy kung saan anim ang naitalang nasaktan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sapul sa video ang aktwal na pagsabog ng isang cargo vessel na Delpan bridge sa Tondo, Manila noong Hunyo 12.
Sa video na ibinahagi ni Jhie De Jose, makikita ang pagporma ng usok mula sa sumasabog na cargo vessel.
"Kitang kita ko paano nag form. Ask ng iba kung ako ang nag shot yes its me," pahayag ng uploader.
Agaw eksena raw ito dahil sa nagmistulang korteng korona ang usok na kalauna'y humulma ng bilog bago tuluyang mawala sa himpapawid.
Kwento pa ni Jhie, kahit lulan siya ng sasakyan nang mapadaan sa naturang insidente ay ramdam nila ang init mula sa sunog.
"Ang init kaming nasa car. What more mga taong nanonood. Habang nadaan kami biglang may sumabog.. ohh ang lakas at ang init"
Sa ulat ng CNN Philippines, bandang 8:00 ng umaga nang magsimula ang sunog. Umabot pa ito sa 5th alarm bandang tanghali. Alas tres na ng hapon nang tuluyan nang humupa ang apoy.
Anim ang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Samantala, sa update mismo ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno sa kanyang Facebook page, ipinakita niya ang kalagayan ng mga residenteng lumikas at naapektuhan ng sunog sa Delpan bridge.
Namahagi rin sila ng hot meals at face masks sa mga pamilyang lumikas habang isinasaayos pa ang kanilang pansamantalang paglalagakan sa Jose Abad Santos High School at Marcela Agoncillo Elementary School.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Dalawang linggo lamang ang nakararaan nang mag-viral din ang video ng aktwal na pananalasa ng buhawi sa Isabela. Dalawang kabahayan ang natangay ng buhawi habang 11 na mga pamilya ang apektado.
Matatandaang naging agaw eksena rin sa social media ang paglabas ng nasa anim na mga 'tornadic waterspouts' sa Gulf of Mexico. Unang nakunan ng video ang anim na buhawi na kalaunan ay naging 11.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh