Nasa 11 na buhawi, sabay-sabay na lumitaw sa Gulf of Mexico

Nasa 11 na buhawi, sabay-sabay na lumitaw sa Gulf of Mexico

- Nakunan ng isang netizen ang paglabas ng nasa anim na mga 'tornadic waterspouts' sa Gulf of Mexico

- Inaasahan ang isang tropical depression sa lugar kaya naman pinaniniwalaang ito ang sanhi ng mga kakaibang buhawi

- Unang namataan ang anim na waterspouts ngunit may ilang nakakuha ng larawan kung saan umabot ito sa nasa 11

- Kamakailan ay nabulabog naman ang California matapos na manalasa ng isang 'firenado' kasabay ng patuloy na paglaganap ng wild fire

- Sa Pilipinas, matinding pagyanig naman ang naramdaman sa Masbate kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa 11 na buhawi, sabay-sabay na lumitaw sa Gulf of Mexico

Waterspouts ( Photo from Frank Leday's Facebook)
Source: Facebook

Nasapul sa video ng isang netizen ang paglitaw ng kakaibang buhawi na namataan sa Gulf of Mexico.

Nalaman ng KAMI na hindi lamang isa kundi anim na tinatawag na "tornadic waterspouts" ang nakunan ng residente ng Louisiana, USA na si Frank Leday.

Sa kanyang Facebook post nitong Agosto 20, tila namangha pa siya sa sabay-sabay na pagkakaroon ng ipo-ipo sa iisang lugar.

"Wow!! Ever see 6 water spouts at once?" ang caption ng kanyang video.

Samantala, sa ulat ng Fox News, sinabing hindi lamang pala anim kundi 11 na mga buhawi ang lumabas.

Sa naibahagi naman ng meteorologist na si Scot Pilie, bagong record umano ang 11 na sabay-sabay na paglitaw ng waterspouts na kuha ni Daniel Billiot Jr.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinaniniwalaang ang paglabas ng mga waterspouts ay bunsod sa inaasahang tropical depression sa darating na mga araw.

Wala namang naiulat na pinsala sa ang naganap na paglitaw ng mga buhawi na nananatili lamang sa tubig.

Hindi tulad ng naganap sa California na 'firenado' kung saan isang buhawi ng apoy ang nanalasa habang nagaganap ang wild fire.

Bukod pa rito, naiulat din sa naturang lugar ang tinatawag na 'wild night' na naranasan ng mga residente roon. Ito ay ang patuloy na pagkulog at pagkidlat na naging sanhi pa ng maliliit na sunog sa tinatamaang mga lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Pilipinas, nakaranas ang mga taga-Masbate ng malakas na paglindol na naging sanhi ng pagguho ng ilang kabahayan at gusali.

Nagkaroon din ng pagbaha sa ilang bahagi ng bansa bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan.

Sa bansang Indonesia, nangalit naman ang Mt. Sinabung noong nakaraang linggo bukod sa kinahaharap din ng kanilang bansa na krisis dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel