Mapanira at nakakakilabot: Aktwal na pananalasa ng buhawi sa Marawi, sapul sa video

Mapanira at nakakakilabot: Aktwal na pananalasa ng buhawi sa Marawi, sapul sa video

- Isang buhawi naman ang nagdulot ng pinsala sa Marawi

- Nakunan ng video ang pananalasa ng buhawi na naging sanhi ng pagkasira ng ilang gusali at maging mga puno sa lugar

- Labis na nag-aalala ang mga netizens sa mga nangyayaring sakuna sa Mindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanalasa ang may kalakasang buhawi sa Marawi ngayon, Nobyembre 4 bandang 4:00 ng hapon.

Ayon sa Philippine Star, nagdulot ng matinding pinsala ang buhawing ito sa lugar base na rin sa mga larawang binahagi ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr.

Dito makikita ang mga natumbang puno, napunit at sirang mga bubong ng mga gusali.

Nakunan naman ng video ni CEALUZA VLogs ang aktwal na pananalasa ng buhawi.

Ayon sa City Risk Reduction Management Office, tumagal din ng 10 minuto ang pagdaan nito dahilan para masira ang mga mga gusali at kabahayan sa lugar.

Samantala, labis nang nag-aalala ang mga netizens sa mga kababayan natin sa Mindanao dahil sa mga sakunang kinahaharap ng mga ito ngayon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Lord please help and heal the people of mindanao"
"Giyera, lindol at ngayon naman buhawi... stay safe po sa mga taga-Mindanao dasal lang talaga!"
"Maging peaceful n po sana sa Mindanao. Magka isa ang bawat tao kasi isang lahi lang nman tayo. Mag dasal po tayo upang gabayan tayo ng nasa itaas"
"Keep safe everyone. Maging handa sa bawat sakuna."
"Keep safe people ano kaya ang pahiwatig nyan?"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel