Teresa Loyzaga, masaya sa pagmamahalan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

Teresa Loyzaga, masaya sa pagmamahalan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

- Nagbahagi ng mga litrato si Barbie Imperial kung saan kasama niya ang kasintahang si Diego Loyzaga

- Marami sa mga kasamahan nila sa showbiz ang naghayag ng kanilang kasiyahan para sa dalawa

- Maging ang ina ni Diego na si Tereza Loyzaga ay natutuwa para sa pagiging masaya ng anak at ni Barbie

- Naka-tag pa sa kanyang "happy moms" na comment ang ina ni Barbie na si Bing Imperial

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang kinilig sa ibinahaging mga picture ni Barbie Imperial sa Instagram kung saan kasama niya ang kasintahang si Diego Loyzaga.

Nakalagay sa caption ang mga salitang "Padaba ko" na salitang Bikolano na nangangahulugang "mahal ko."

Teresa Loyzaga, masaya sa pagmamahalan nina Bambie Imperial at Diego Loyzaga
Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga (@teresaloyzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Wowie de Guzman at anak na si Raff, kinaaliwan sa kanilang TikTok videos

Marami ang kinilig sa mga pictures na ito ng dalawa at maging ang kanilang mga kasamahan sa showbiz ay hindi napigilang mapa-komento sa ka-sweetan ng dalawa.

Kabilang sina Sunshine Cruz, Ara Mina, Enzo Pineda, Sue Ramirez, Chie Filomeno at Vina Morales sa mga artistang hindi napigilang mag-react sa kanilang mga pictures.

Ang ina naman ni Diego na si Teresa Loyzaga ay inihayag ang kanyang kasiyahan na makitang masaya ang dalawa. Naka-tag pa ang ina ni Barbie na si Bing Imperial sa kanyang comment.

Teresa Loyzaga, masaya sa pagmamahalan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga
Teresa Loyzaga's comment (screenshot from Barbie Imperial's IG)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Read also

Isang eksena sa FPJ's Ang Probinsiyano, viral sa social media

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel