51-anyos na ginang sa QC na pinaslang umano ng nobyo, isinimento sa basement ng bahay nito

51-anyos na ginang sa QC na pinaslang umano ng nobyo, isinimento sa basement ng bahay nito

- Isang 51-anyos na ginang sa Quezon City ang pinaslang umano ng kanya mismong nobyo

- Naganap umano ito sa loob mismo ng tahanan ng ginang kung saan sinasabing pinagnakawan pa siya nito

- Matapos na paslangin, nagawa pa siyang isimento sa basement ng sarili niyang bahay

- Anak nitong nagtamo ng 22 na saksak ay nakaligtas at nagsilbing saksi sa krimen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng 51-anyos na ginang sa Quezon City matapos na paslangin umano siya ng sarili niyang nobyo sa loob ng kanyang tahanan sa isang subdivision sa Barangay Bagong Silang sa Quezon City noong.

Nalaman ng KAMI nitong Sabado, Hunyo 12 nang tibagin ng awtoridad ang semento kung saan itinago ang bangkay ni Caballero.

Sinasabing ilang araw na ang nakalipas mula nang ito ay paslangin. Nang pasukin pa ng mga awtoridad ang mismong bahay nito, may mga bakas pa ng ebidensya ng pagpatay at kalat-kalat pa ang mga gamit nito.

Read also

Lalaking may stage 5 Chronic Kidney Disease, nakapagtapos pa rin ng kolehiyo

Ang itinuturong suspek umano ay ang nobyo ng biktima na dating security guard ng subdivision na si Emmanuel De Guia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Base sa CCTV footage na nakuha, makikita pa ang paglabas pasok ng suspek sa bahay ni Theresa maging ang isa pa nitong kasama sa paggawa ng karumal-dumal na krimen.

Sa CCTV rin nakita ang pagpasok umano ng mga semento na sinasabing ginamit upang maitago ang bangkay ng biktima.

Kasama ni Theresa ang anak na si Teffany na nagtamo rin 22 saksak. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, mismong ang suspek pa ang nagdala sa pagamutan kay Teffany matapos na makiusap na huwag silang isuplong sa pulisya.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa iba pang maaring motibo sa pamamaslang bukod sa pagnanakaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ama, nagulat sa biglaang pagkamatay ng anak na di sinabing nakagat siya ng aso

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lamang, gumulantang sa publiko ang pamamaril ng isa na namang pulis sa 52-anyos na ginang sa Quezon City.

Maging si PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ay hindi nakapagpigil sa pangangastigo sa pulis dahil hindi raw talaga katanggap-tanggap ang nagawa nito.

Sa panahong hinaharap pa rin natin ang epekto ng pandemya, nakalulungkot na isiping may mga krimen pa ring nagaganap na tila dumaragdag pa sa suliraning kinahaharap ng ilang pamilyang Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica