Karen Davila, pinabulaanan ang isyung magkagalit sila ni Korina Sanchez

Karen Davila, pinabulaanan ang isyung magkagalit sila ni Korina Sanchez

- Naitanong ni Ogie Diaz kay Karen Davila ang tungkol sa matagal nang usap-usapang magkagalit sila ni Korina Sanchez

- Ayon kay Karen, bago pa man siya dumating at magtrabaho sa ABS-CBN ay isang kilala nang icon si Korina

- Kailanman umano ay hindi sila nagpantay at hindi din siya kakumpitensiya ni Korina

- Aniya, sana ay nabigyan siya ng pagkakataon na mas makilala pa si Korina dahil marami umano ang nagsasabing loyal ito bilang isang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Karen Davila sa matagal nang bulong-bulungan na may tensiyon sa pagitan nila ng kapwa niya journalist at news anchor na si Korina Sanchez.

Maging si Ogie Diaz na isa din sa nagtrabaho sa mundo ng pagbabalita ay hind din umano niya alam ang tungkol dito dahil wala naman silang naririnig mula sa kanila mismo.

Read also

Marjorie Barretto, si Gerald Anderson ang pinakagusto para sa anak niya

Karen Davila, pinabulaanan ang isyung magkagalit sila ni Korina Sanchez
Karen Davila, (@iamkarendavila)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paliwanag ni Karen, kapag nagkakasalubong sila ni Korina ay nagkakabatian naman umano sila. Sa kanyang opinyon, kaya lumabas ang nasabing isyu ay dahil pinagtatapat silang dalawa ni Korina.

Nilinaw niya ring kailanman ay di sila nagpantay ni Korina dahil sikat na sikat na ito nang dumating siya sa ABS-CBN para magtrabaho.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na ginawadan ng parangal na TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting noong 2013.

Nagsimula siya sa kanyang career bilang investigative journalist at paggawa ng mga dokyumentaryo kung saan nanalo siya ng UNICEF Child Rights Award para sa kanyang dokyumentaryong Children in Jail.

Read also

Dennis Padilla, sinabing hindi pa sila nakakapag-usap uli ni Gerald Anderson

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay umani ng espikulasyon ang pagsagot ni Karen ng isang online survey ng GMA network sa social media.

Hindi pinalagpas ng news anchor ang malisyosong paghingi ng opinyon niya ng isang netizen kaugnay sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Angel Locsin kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel