Marjorie Barretto, si Gerald Anderson ang pinakagusto para sa anak niya

Marjorie Barretto, si Gerald Anderson ang pinakagusto para sa anak niya

- Sa Showbiz update nina Ogie Diaz at Mama Loi, nabanggit ni Ogie na nagkausap sila ni Marjorie Barretto

- Sinabi daw nito sa kanya na sa lahat ng na-involve sa anak niyang si Julia Barretto, si Gerald Anderson umano ang pinakagusto niya

- Ito ay dahil umano sa pagiging maalaga nito kay Julia at pagiging marespeto umano nito

- Naging sentro ng kontrobersiya sina Julia at Gerald kamakailan dahil sa mga sunod-sunod na mga pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz news update kasama si Mama Loi na nakausap niya umano si Marjorie Barretto kamakailan at nabanggit umano nito sa kanya na sa lahat ng naiugnay sa anak niyang si Julia Barretto, pinakagusto niya umano si Gerald para sa anak.

Marjorie Barretto, si Gerald Anderson ang pinakagusto para sa anak niya
Marjorie Barretto (@marjbarretto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Video ng interview ni Julia Barretto kay Dennis Padilla, naka-private na

Ito ay dahil umano sa pagiging napakamarespeto nito at maalaga umano kay Julia. Matatandaang matapos lumabas ang video ng panayam ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla, muling naging tampulan ng pambabatikos ang dalawa.

Marami naman ang nag-aabang kung sasagutin o lilinawin ba ni Marjorie ang kanyang panig matapos ang pinag-usapang mga pahayag ni Dennis kamakailan.

Samantala, matapos nga lumabas ang nasabing interview ni Ogie kay Dennis, marami ang nakapansin na hindi na rin napapanood ang interview ni Julia sa kanyang ama. Hindi na ito napapanood sa YouTube channel ni Julia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marjorie Barretto ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanilang husay sa pag-arte, naging usap-usapan ang gulo na namagitan sa kanilang pamilya na tumagal na ng maraming taon.

Samatala, kamakailan ay tinawag na "bayani" ni Dani Barretto si Marjorie. Si Dani ang anak ni Marjorie sa aktor na si Kier Legaspi.

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang video kung saan nagdiwang sila ng Mother's day, diretsahang tinanong ni Marjorie ang mga anak tungkol sa mga opinyon ng mga ito kung sakaling ikasal siyang muli.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel