Newlyweds, kinasuhan matapos ituloy ang wedding reception kahit di pinayagan ng barangay

Newlyweds, kinasuhan matapos ituloy ang wedding reception kahit di pinayagan ng barangay

- Agad na nasamapahan ng reklamo ang bagong kasal sa Quezon City na itinuloy ang selebrasyon ng kasal

- Sa ilang larawan, makikita umano ang dami ng tao sa kanilang wedding reception

- Itinuturo itong isa sa mga dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa Area 7 compound ng Brgy. Matandang Balara

- Mismong ang barangay chairman at Purok leader ang nagsampa ng reklamo sa bagong kasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakasuhan ang bagong kasal sa Quezon City dahil umano sa paglabag nito sa safety protocols at itinuloy pa rin ang kanilang selebrasyon.

Nalaman ng KAMI na Mayo 15 nang maganap ang kasalan sa Area 7 ng Barangay Matandang Balara.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ilang larawan ang magpapatunay na maraming tao ang dumalo sa wedding reception.

Newlyweds, kinasuhan matapos ituloy ang wedding reception kahit di pinayagan ng barangay
Photo from Pixabay
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Babaeng shoplifter umano sa isang cafe sa Benguet, nahuli sa akto

Ito ang itinuturong isa sa dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Mismong ang Brangay Chairman at Purok leader ang nagsampa ng reklamo gayung hindi pala talaga pinayagang magdiwang ang bagong kasal ngunit itinuloy pa rin ng mga ito.

Maging ang pangulo ng Home Owners Association ng naturang lugar ay nakapagmulta rin dahil sa insidente habang humihingi naman ng paliwanag si Mayor Joy Belmonte mula sa kapitan ng barangay kung bakit naganap pa rin ang naturang pasinaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, 51 katao ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 matapos na dumalo sa isang pool party sa Quezon City.

Tinaguriang "super spreader" ang naturang pagtitipon sa dami ng tinamaan ng COVID-19.

Sa kumalat ng video ng pool party, makikita na walang suot na face mask at face shield ang mga tao na karamihan pa ay nag-iinuman at hindi rin ito sumusunod sa social distancing.

Read also

Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Pinaiimbestigahan na rin ang naturang insidente at kung sinoman ang makikitang lumabag sa mga safety protocols ay mabibigyan ng karampatang parusa.

Bagaman at may vaccine na at ilan na sa ating mga kababayan ang nabakunahan, ibayong pag-iingat pa rin dapat lalo na at patuloy pa rin ang paglaganap ng nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica