Lalaking may saklay, bistado ang pagpapanggap nang habulin ang traffic marshal

Lalaking may saklay, bistado ang pagpapanggap nang habulin ang traffic marshal

- Bistado ang isang lalaking nagpapanggap na pilay sa may EDSA Carousel

- Ilang mga commuter ang inirereklamo ito ng pangingikil dahil kapag hindi ito nabibigyan, naglalabas ito ng patalim para takutin ang hinihingan

- Isang traffic marshal ang nakatanggap ng sumbong, aalalayan lamang daw sana niya ang lalaki nang bigla na itong naglabas ng patalim

- Nagawa rin ng lalaki na iwan ang saklay sa tangkang paghabol sa traffic marshal na nanita sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bistado ang umano'y modus ng lalaking may saklay sa EDSA Carousel malapit sa Ortigas Avenue Station noong Mayo 31.

Nalaman ng KAMI na nakatanggap ng reklamo si I-ACT PCG Marshal SN2 Julius Gibran Abundol III kaugnay sa umano'y pangingikil ng lalaking nakilalang si alyas Ariel.

Ayon sa mga commuter, nanlilimos ang lalaking nagpapanggap na pilay ngunit kapag hindi nila ito mabigyan, nagmumura ito at inilalabas ang patalim upang manakot.

Read also

PNP chief sa pamamaril ng pulis sa QC: "Karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap"

Lalaking nagpapanggap na pilay, bistado nang takbuhan ang nanitang traffic marshal
Photo: Alyas Ariel at si I-ACT PCG Marshal SN2 Julius Gibran Abundol III (InterAgency Council for Traffic - IACT)
Source: Facebook

Dahil dito, sinita siya ni Abundol at ineskortehan papalayo. Tumanggi si Ariel na ayaw umalis sa lugar.

Aalalayan pa umano sana ni Abundol si Ariel ngunit bigla na rin itong umalma at inilabas ang kanyang patalim.

Ngunit dahil hindi pa rin siya tinantanan ng traffic marshal, nagawa na nitong iwan ang saklay saka inambahan ng patalim ang nanita sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sakto namang napadaan ang PNP-HPG personnel na rumoronda sa lugar na siyang tumulong kay Abundol upang madakip si Ariel.

Sinasabing tila wala raw ito sa katinuan na minsan na ring inireklamo ito sa pamamato ng mga dumaraang bus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi rin ng GMA News ang video ng InterAgency Council for Traffic - IACT:

Read also

Lolo na naglalako ng gulay at namumuhay mag-isa, tutulungan ni Tulfo

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Dapat lamang na doble ingat ang mga commuter sa araw-araw na pakikipagsapalaran nila sa kalsada at sa pagbibiyahe.

Hindi lamang kasi COVID-19 ang dapat na katakutan at iwasan kundi ang mga masasamang loob na hindi pa rin nawawala sa lansangan.

Subalit magsilbing paalala na rin na maging ang mga 'work from home' ay hindi ligtas sa mga nakagagawa ng hindi maganda gayung naglipana na rin ang mga 'manlolokong' ito online.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica