Anak, ipinagmamalaki ang handicrafts na gawa ng ina mula sa karton at BBQ sticks

Anak, ipinagmamalaki ang handicrafts na gawa ng ina mula sa karton at BBQ sticks

- Buong pagmamalaki ng anak na si Aldrik Gohel ang mga obra ng kanyang inang si Lita Gohel

- Nakagagawa kasi ng handicrafts ang kanyang ina mula sa mga recycled na karton at barbecue sticks

- Mini-bahay kubo ang mga nalikha ng kanyang ina na maaring pang-display

- Ang 'hobby' na ito ng kanyang ina ay napagkakakitaan din nila dahil minsan ito'y kanyang naibebenta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super proud ang anak na si Aldrik Gohel sa mga handicrafts na likha ng kanyang 63-anyos na ina na si Lita Gohel.

Nalaman ng KAMI na mula sa mga recycled na karton at rejected barbecue sticks, nakakalikha ang ina ni Aldrik ng mga mini-bahay kubo na maaring pang-display.

Kwento ni Aldrik, nag-aral ang kanyang ina ng Interior Design sa SLIM international school sa Malate, Manila.

Anak, ipinagmamalaki ang handicrafts na gawa ng ina mula sa karton at BBQ sticks
Photo: Lita Gohel (from Aldrik Gohel)
Source: UGC

Dahil sa kanyang kaalaman at angking talento, magaganda ang mga obra ni Nanay Lita na masinsin at pulido niyang nagagawa.

Read also

KMJS, nilinaw na hindi "scripted" ang pag-aararo at pagsasaka ni Reymark Mariano

Nanaisin nga ng mga makakakita na magpagawa ng aktwal na bahay kubo base sa disenyo na gawa ni Nanay Lita.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kumikita rin siya kapag naibebenta niya ang ilan sa kanyang mga nagagawa.

"Sa pamamagitan ng creative ideas madami talaga tayo magagawa sa basura o sa gamit na di na nagagamit," pahayag pa ni Aldrik.

Narito ang ilan sa mga likha ni Nanay Lita na naibahagi ng anak niyang si Aldrik sa KAMI:

Anak, ipinagmamalaki ang handicrafts na gawa ng ina mula sa karton at BBQ sticks
Photo from Aldrik Gohel
Source: UGC

Anak, ipinagmamalaki ang handicrafts na gawa ng ina mula sa karton at BBQ sticks
Photo from Aldrik Gohel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Anak, ipinagmamalaki ang handicrafts na gawa ng ina mula sa karton at BBQ sticks
Photo from Aldrik Gohel
Source: UGC

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nag-viral din ang mga likhang obra ng isang lalaki gamit ang mga sirang gulong. Katwiran niya, imbis na itapon ang gulong, ginagawa niya itong makulay na malalaking mga hayop na maaring pang-display.

Read also

Batang nag-aararo na umantig sa puso ng marami, binalikan na ng kanyang ina

Gayundin ang isang lolo na hinangaan dahil sa kanyang diskarte na pagbebenta ng kanyang mga paintings sa gilid ng kalsada sa kasagsagan ng pandemya. Isang netizen ang nagmalasakit na ibahagi sa social media ang mga ibinebenta ng lolo at hindi naman siya nabigo dahil may mga bumili nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica