Lolo artist, ibinebenta ang kanyang mga naggagandahang obra sa gilid ng daan

Lolo artist, ibinebenta ang kanyang mga naggagandahang obra sa gilid ng daan

- Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang matandang lalaki na ibinebenta ang kanyang mga paintings sa gilid ng daan

- At ayon sa uploader, ibinebenta lamang ito ni lolo sa murang halaga

- Maraming netizens ang humanga at pinuri ang mga obra nito

- Base sa update, sinabi rin ng uploader na mayroong mga interesadong bumili ng mga paintings nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang matandang lalaki na nagbebenta ng kanyang mga paintings sa gilid ng isang daan sa Montalban, Rizal.

Sa Facebook post ng netizen na si Gelica Reyes Llosala, sinabi nitong papasok na siya sa trabaho nang makita niya ang matanda at ang mga obra nito.

Ayon kay Llosala, ibinebenta lamang ni lolo ang mga paintings nito nang humigi't kumulang na P500 kada isa.

Napag-alaman din nito na tatlong beses kada linggo ay naroon ang matanda upang ibenta ang mga paintings nito.

"PAINTINGS FOR SALE

"Not mine. I'm on my way to work when I saw tatay selling his masterpieces. He allowed me took pic of him with his paintings. Let's support those who make art for living. Item ranges from more or less 500 pesos according to tatay," anito sa post.

Marami ang humanga sa matanda, hindi lang dahil sa kanyang kasipagan kung hindi maging sa kanyang mga naggagandahang paintings.

Batay naman sa huling update ni Llosala, mayroong mga interesado na bumili ng paintings ng matanda.

Sinabi nito na maaaring kontakin ang anak ng matanda na si Mary Ann Nadera Gallebo para sa mga nais na bumili ng mga paintings nito.

"UPDATE : Hi people. For those who are interested, kindly pm Ma'am Mary Ann Nadera Gallebo anak po siya ni tatay. 3x a week lang daw po nagtitinda si Tatay on that same spot or doon po sa Manila Hills.

"I'm in no other intentions but purely to help and so I'm hoping that everyone will. Thank you very much for the kind words. Let's spread kindness. God bless."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel