Volunteer, namura at dinuro pa umano ng isang babaeng nakapila para humingi ng pagkain
- Viral ngayon ang video ng isang volunteer na mamahagi ng mga pagkain sa kababayan nating labis na naghihikahos
- Makikita kasi ang pagmumura at panduduro umano ng babaeng nanghihingi ng pagkain sa volunteer
- Nagulat ang babaeng namamahagi ng pagkain na walang nagawa kundi tingnan na lamang ang babae hanggang sa ito ay umalis
- Ayon sa ilang netizens, maaring may sakit umano sa pag-iisip ang babae kaya nagawa niya ito sa namamahagi ng pagkain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Mabilis na nag-viral ang video ni Roseann Adelante kung saan makikitang isa siya sa mga namamahagi ng pagkain sa mga kababayan nating kapos-palad.
Nalaman ng KAMI na nag-volunteer si Roseann na ang pangunahing motibo ay ang makatulong sa kapwa.
Subalit sa kanyang TikTok video, makikita ang pagmumura at panduduro sa kanya ng isang babae na nanghihingi sa kanila ng pagkain.
Mapapansing tila hindi agad naabutan ang babae dahilan para umalma ito at ang napagbuntunan ay si Roseann.
Walang nagawa ang volunteer kundi ang tingnan ang babae gayung maging siya ay nagulat sa inasal at nagawa nito.
"yung MABUTING hangarin lang yung gusto mo nasaktan kapa pangarap ko talagang makatulong kaya nag volunteer ako..."
Pagkakuha ng pagkain, agad na ring umalis ang babae habang si Roseann at napasunod lamang ng tingin sa kanya at wala nang anumang sinabi o ginawa.
Samantala, pansin ng ilang netizens na tila may problema sa pag-iisip ang babaeng nagmura at nanduro pa kay Roseann.
Hinangaan din nila ang volunteer sa hindi pagpatol sa babae at hinayaan na lamang itong makaalis.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ate baka po mentally ill si ate. Buti nalang binigyan niyo ng pagkain. Kudos po sa inyo"
"Nakakatakot naman. Kayo na nga ang tumulong kayo pa ang namura. Pero importante nagmalasakit kayo sa tulad nila"
"Baka po may problema na si ate kaya ganyan. Pero kahanga-hanga po kayo kasi hindi na kayo kumibo at hinayaan niyo na lang po umalis"
"Importante nakatulong kayo. Ingat na lamang po sa susunod"
"Ingat lang po talaga, may mga tao pong ganyan saka baka may sakit na si ate"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan, ay nag-viral din ang ilang grupo ng mga babae sa Pasig na umano'y nanimot ng laman ng kanilang community pantry.
Paliwanag nila, hindi naman nila inangkin na lamang ang mga hinakot na pagkain at pinamigay din nila ito sa kanilang mga kapitbahay.
Gayunpaman, humingi pa rin sila ng tawad sa publiko na mabilis na humusga sa kanilang nagawa. Inamin nilang dapat sana'y kumuha na lamang sila ng sapat sa kanilang pamilya at hindi hinakot lahat kahit pa ito ay kanila na rin namang ipinamigay sa iba.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh