Kwento ng isang lalaking sobrang nalulong sa paglalaro ng mobile games, viral

Kwento ng isang lalaking sobrang nalulong sa paglalaro ng mobile games, viral

- Viral ang post ng isang kuya ng isang lalaking nalulong sa paglalaro ng mobile games

- Ibinahagi nito ang naging epekto sa kalusugan ng kanyang kapatid na nalilipasan umano ng gutom dahil sa paglalaro

- Sinubukan siyang pagsabihan ng kanyang mga magulang at kanyang kuya ngunit mas pinili nito ang kanyang paglalaro

- Nagbahagi ng payo ang kuya ng nasabing lalaki para sa lahat ng nawiwili sa paglalaro ng mobile games

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Kuya ang nagbahagi ng kwento ng kanyang nakababatangkapatid na sobrang nalulong sa paglalaro ng mobile games. Sa sobrang paglalaro nito ay nalilipasan umano ng gutom palagi ang kanyang kapatid.

Kwento ng isang lalaking sobrang nalulong sa paglalaro ng mobile games, viral
Photo by Zhang Peng/LightRocket
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi niya rin ang hindi magandang naging dulot nito sa kalusugan ng kanyang kapatid. Sa kanyang ibinahaging post, hindi umano nito sinusunod ang kanilang magulang kapag sinasabihan siyang kumain na.

Read also

Puto vendor sa 'pulubi prank' ni Ivana Alawi, patuloy na tumutulong sa mga kapos-palad

Ayon sa Facebook user na si Markgil Carandang, sana ay gawin lamang libangan ang paglalaro ng mga online games at wag gawing bisyo. Payo niya rin na laging makinig at sumunod sa sinasabi ng mga magulang at nakakatandang kapatid.

Sanay maka pulot NG idea ang makaka basa neto sanay wulang mag bash SA post ko. Naway gawin nating libangan Ang ML at wag gawing bisyo at sumunod Tayo SA payo NG ating mga MAGULANG at nakakatandang kapatid

Aniya sana ay matulungan din ang kanilang pamilya sa kalagayan ng kanyang kapatid. Hiniling din niya na sana ay huwag siyang i-bash.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Parami nang parami ang kabataang nawiwili sa paglalaro ng mobile games sa kasalukuyan. Dala na rin ng pagkabagot na hindi masyadong nakakalabas ng bahay, lalong dumami ang nahihilig sa paglalaro ng online games.

Read also

Huwarang ama, siniguradong hindi mamroblema ang pamilya sa kanyang pagpanaw

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Ayon nga sa kasabihan, lahat ng sobra ay masama. Ang sobrang pagkakahilig sa mobile games ay mayroong mga hindi magandang naidudulot. Isang binatilyo ang bumigay ang katawan dahil sa walang humpay na paglalaro.

Mayroon ding mga relasyon ng mag-asawa na naapektuhan dahil sa sobrang pagkakahilig sa paglalaro ng mobile games.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel