Reymark Mariano, ibinahagi sa mga kababayan ang sobra-sobrang biyayang natanggap

Reymark Mariano, ibinahagi sa mga kababayan ang sobra-sobrang biyayang natanggap

- Abot-abot ang pasasalamat ni Reymark sa lahat ng tulong na kanyang natanggap

- Ito ay matapos mag-viral ang kanyang kwento nang umere ito sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho

- Ang dating bahay nilang dating walang masyadong laman ay punong-puno ng mga pagkain na binigay sa kanila

- Sa dami ng dumating na tulong sa kanilang pamilya, nagbahagi din sila sa mga kababayan nilang nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong hinangaan ang 10 taong batang si Reymark Mariano matapos muling kamustahin ng Kapuso Mo Jessica Soho ang kanilang kalagayan isang linggo matapos umere ang tungkol sa kwento niya na talaga namang umantig sa marami.

Reymark Mariano, ibinahagi sa mga kababayan ang sobra-sobrang biyayang natanggap
Reymark Mariano (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho/@KM_Jessica_Soho)
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, bumuhos ang tulong at donasyon mula sa mga tao sa iba't-ibang panig ng bansa at maging sa mga Pinoy na nasa ibang bansa. Makikita sa video na binahagi ng KMJS na ang dating bahay nila na wala halos lamang gamit ay punong-puno ng mga pinamigay na donasyon.

Read also

Mga OFW, nakalikom ng malaking halaga ng pera na ipadadala nila kay Reymark Mariano

Muling kinabiliban si Reymark dahil imbes na itago para sa kanilang pamilya, napili nitong ibahagi din sa mga nangangailangan ang sobra-sobrang biyayang natanggap ng kanilang pamilya.

Narito ang komento ng mga netizens:

Kung sino pa ang salat, siya pa yung mulat sa pagtulong. Salute to you little boy? Deserve mo yan
Pagnagtanim ka talaga aani ka ng siksikliglig na umaapaw na blessing sana hindi lang sa kanya ganon din sa iba
Ang sarap sa pakiramdam Ng tumutulong sa kapwa,,..
talaga namang nakakabilib si reymark dahil bukod sa biniyayaan siya Ng biyaya ay biniyayaan nyarin Ang kaniyang kapwa..salamat sapanginoon..at salamat SA #KMJS

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa sobrang hirap ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya, marami sa mga kabataan ang napilitang maghanap-buhay para makatulong sa kani-kanilang pamilya. Imbes na maglaro ay maagang namulat ang ilang sa mga kabataan sa katotohanan ng buhay.

Read also

Heart Evangelista, dinaan sa TikTok ang mensahe sa kanyang bashers

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami sa mga batang ito ang nag-viral sa social media at hinangaan ng publiko. Kabilang na rito ang mag-pinsang naglalako ng Sampaguita na kamakailan ay natulungan ng isang vlogger.

Marami din ang naantig sa isang mag-aaral na tuloy sa pakikinig sa kanilang klase habang siya ay nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate