Tone-toneladang kalabasa, binili ni Maginhawa pantry organizer, Patreng Non

Tone-toneladang kalabasa, binili ni Maginhawa pantry organizer, Patreng Non

-Tone-toneladang kalabasa ang binili ni Ana Patricia Non mula sa mga magsasaka

-Ayon sa dalaga, tinatayang 350 community pantries ang makikibang sa mga kalabasa

-Si Non ang organizer ng sikat na Maginhawa community pantry sa Quezon City

-Nag-viral ang inisyatibong ito ni Non at marami rin ang gumaya sa ginawa nitong pamamaraan ng pagtulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

10 toneladang kalabasa ang binili ni Ana Patricia Non mula sa mga magsasaka sa tamang halaga ayon dito.

Sa isang Facebook post, ibinida ni Non ang napakaraming kalabasa na nabili at pinagtulong-tulungan ng ilang volunteers na buhatin.

Ayon pa kay Non, binili nila ang kalabasa sa halagang nararapat lang para sa mga magsasaka na kung minsan ay wala nang magawa kung 'di ang ibenta sa mababang presyo ang kanilang mga gulay.

Tone-toneladang kalabasa, binili ni Maginhawa pantry organizer, Patreng Non
Photo: Maginhawa community pantry in Quezon City (Patreng Non)
Source: Facebook

Dagdag pa ng dalaga, tinatayang 350 community pantries ang makikinabang sa mga kalabasang kanilang nabili.

Read also

Heart Evangelista, dinaan sa TikTok ang mensahe sa kanyang bashers

Narito ang kabuuan ng kanyang FB post:

"Hello mga ka-pumpkin! Cute ng mga kalabasa no! Pero behind this photo kailangan natin pag-usapan ang kwentong Kakabasa.

"Kwentong Kalabasa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

"At least ₱7.00 ang dapat presyo ng kalabasa sa ngayon pero tinatawaran ito ng mga middle men sa presyong ₱5.50 per kilo tapos binebenta ito sa halagang ₱8-₱12 pesos dito sa Manila. Kung minsan umaabot ang tawaran ng ₱3.00 per kilo. Ang ilang mga magsasaka natin ay napipilitang ibenta sa mababang halaga ang mga kalabasa dahil gipit na din sila at kailangan na maibenta bago ito mabulok.

"Ang goal ng Community Pantry kasama ang iba pang mga advocate sa karapatan ng mga magsasaka ay bilhin sa tamang halaga ang mga fresh produce nila. Kaya naman nabili natin ang kalabasa sa presyong ₱7.70. Personally naniniwala ako na first step para ma-attain natin ang food security ay kailangan magkadangal ang mga magsasaka at mangyayari ito kung may sapat na suporta sa kanila.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

"Kaya kanina 10 toneladang Kalabasa ang dumating. Buti na lang may 30 volunteers na tumulong sa pagbubuhat. Masakit man katawan masaya pa din dahil alam namin na may mga magsasakang nakipagtulungan at may 350 pantries na makakatanggap ng kalabasa. Magandang umaga indeed!"

Si Non ang organizer ng sumikat na Maginhawa community pantry sa Quezon City. Dahil sa inisyatibong ito ni Non, marami ang gumaya sa pamamaraan ng pagtulong nito.

Dati nang naiulat ng KAMI nang dagsain ng tulong ang nasabing community pantry at maging ang ilang magsasaka ay nagpaabot din ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa iba pang report ng KAMI, ilang kababaihan ang nag-viral matapos maaktuhang nanlimas ng laman ng isang community pantry sa Pasig.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone