Rabiya Mateo, umalma sa pang-iintriga sa kanila ni Andre Brouillette

Rabiya Mateo, umalma sa pang-iintriga sa kanila ni Andre Brouillette

- Matapos mapansin ng mga netizens ang pagkawala ng mga litrato ni Rabiya Mateo sa Instagram ng boyfriend nito, umusbong ang spekulasyong nagkahiwalay na sila

- Kasunod nito ay kumalat ang mga litrato ni Rabiya na kasalukuyang nasa Amerika pa rin at nakasama niya ang dating PBB housemate na si Andre Brouillette

- Ito ang dahilan ng intrigang iniuugnay ang dalawa at naging sanhi umano ng paghihiwalay ni Rabiya at boyfriend nitong si Neil Salvacion

- Wala pang pahayag mula sa magkasintahan hinggil sa isyu ngunit pinabulaanan ni Rabiya ang pag-uugnay sa kanila ni Andre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang lumabas na mga write-ups tungkol sa pagkakaugnay sa kanya kay dating PBB housemate Andre Brouillette, minabuti ni Rabiya Mateo na linawin kung may namamagitan nga sa kanila ni Andre.

Rabiya Mateo, umalma sa pang-iintriga sa kanila ni Andre Brouillette
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, binahagi ni Rabiya ang litrato nila ni Andre at nilagay ang mga hashtags na #Friends #Workmates #NoMalice #Empire #Mercator at #ImNotAvailable.

Read also

Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

ayunpaman, wala pa itong nilalabas na pahayag kaugnay sa napapabalitang hiwalay na umano sila ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion.

Rabiya Mateo, umalma sa pang-iintriga sa kanila ni Andre Brouillette
Rabiya Mateo and Andre Brouillette (@rabiyamateo IG Story)
Source: Instagram

Matatandaang umugong bali-balita tungkol sa umano'y hiwalayan matapos mapansin ng mga netizens na wala na sa Instagram feed ni Neil ang mga dating ibinahagi niyang mga picture ni Rabiya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang maging emosyonal si Rabiya habang humihingi ng dispensa matapos madismaya ng ilang Pinoy pageant fans kaugnay sa kanyang national costume.

Gayunpaman, matapos lumabas ang kwento sa likod ng kanyang sinuot na costume na nagtitimbang ng 21 kilos, hinangaan si Rabiya ng karamihan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel