Janice de Bellen, na-offend sa mga nagtatanong kung bakit nagtitinda siya

Janice de Bellen, na-offend sa mga nagtatanong kung bakit nagtitinda siya

- Ibinahagi ni Janice de Belen ang kanyang pagka-offend dahil sa pagpipilit ng ilan na may relasyon sila ni Gerald Anderson

- Hindi naman umano siya na-offend sa tsismis dahil alam niya bilang artista ay natural sa kanila iyon

- Gayunpaman, hindi niya nagustuhan na pinipilit umano nang iba ang tungkol dito

- Na-ooffend din daw siya kapag tinatanong siya kung bakit siya nagtitinda eh mayaman naman na siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang panayam kay Janice de Belen. Dito naitanong ni Ogie kung na-offend daw ba si Janice sa isyu ng pagkakaugnay sa kanya kay Gerald Anderson.

Paliwanag niya, hindi siya na-offend sa isyu dahil alam niyang natural yun sa mga kagaya nilang artista. Ngunit hindi umano niya nagustuhan na tila ipinipilit ang isyu gayong ang mga litratong ginagamit laban sa kanya ay kinuha lang din sa kanyang Instagram.

Read also

Juday, nasaktan nang magtanong si Yohan tungkol sa tunay nitong mga magulang

Janice de Bellen, na-offend sa mga nagtatanong kung bakit nagtitinda siya
Janice de Bellen (@super_janice)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, kung totoo yung isyu, itatago niya ang mga litratong magkasama sila ng aktor.

Isa pa umanong kina-offend niya ay ang pagtatanong ng mga tao kung bakit siya nagtitinda sa mga bazaar gayung mayaman naman na umano siya.

Ayon kay Janice, para sa kanya nakaka-offend na imbes matuwa sila na masipag siya, tila nang-iinsulto pa ang mga ito.

Dagdag pa niya, hindi naman siya kagaya ni Kathryn Bernardo na buhos-buhos ang proyekto kaya kailangan niya maghanap ng mapagkakakitaan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Catherine Janice Yap de Belen o mas kilala bilang Janice de Belen ay isang Pinay actress, commercial model at television host. Dati siyang ikinasal kay John Estrada.

Sumikat siya nang husto nang bumida siya sa teleseryeng Flordeluna na namayagpag sa ere mula 1979 hanggang 9984.

Read also

Reymark Mariano, inulan ng tulong dahil sa nakakaantig niyang kwento

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kasalukuyan, naibabahagi ni Janice ang kaganapan sa buhay niya sa pamamagitan ng social media at sa kanyang YouTube channel kung saan pinakita niya sa netizens ang kanyang kitchen.

Sinabi niya kamakailan na kasing tinik ng bangus si Gerald Anderson.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel