Cassy Legaspi, pinakilig ang fans nila ni Darren Espanto sa kanyang pagbati

Cassy Legaspi, pinakilig ang fans nila ni Darren Espanto sa kanyang pagbati

- Marami ang kinilig sa pagbati ni Cassy Legaspi para sa Kapamilya singer na si Darren Espanto

- Sa pagdiriwang ni Darren ng kanyang ika-20 kaarawan, bumuhos ang pagbati mula sa kasamahan niya sa showbiz

- Kabilang nga dito si Cassy na napapabalitang kasintahan niya sa totoong buhay

- Gayunpaman, palaging sinasabi ng dalawa na magkaibigan lamang sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinilig ng todo ang mga fans nina Cassy Legaspi at Darren Espanto matapos ibahagi ni Cassy ang kanyang maiksi ngunit nakakakilig na pagbati para sa ika-20 kaarawan ni Darren.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Cassy ang litrato nilang dalawa at ang kanyang mensahe.

Cassy Legaspi, pinakilig ang fans nila ni Darren Espanto sa kanyang pagbati
Cassy Legaspi (@cassy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"okay NOW you're 20 @darrenespanto Happy Birthday D!!here for you always, and we are all so proud of you."

Read also

Catriona Gray, pinakilig ang fans sa sweet birthday message niya para kay Sam Milby

Ito ang pagbati ni Cassy para sa Kapamilya singer na sinagot din ni Darren sa kanyang Instagram Story ng "Thanks always."

Matagal nang napapabalitang magkarelasyon ang dalawa at marami din ang kanilang mga tagasuporta.

Sa katunayan, marami sa mga subscribers ni Cassy sa kanyang social media account ang humihiling na sana ay magkasama sila sa vlog ng dalaga.

Narito ang reaksiyon ng kanilang fans:

Ang Cute lang kasi laging inaantay ni Cassandra mag 12 sa Canada bago bumati!
I dont care My Heart Is So Happy Right Now. I love you two forever mga Mahal ko Happiest Birthday Again D!
HAPPYYY BIRTHDAYYY D!! wait lang pano kumalma waahhh.thank u sa pa ayuda mayora

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Cassy Legaspi ay anak ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Mayroon siyang kakambal na lalaki, si Mavy Legaspi na napapanood din sa mga TV commercials.

Read also

Miss Canada Nova Stevens, nilinaw na malaki ang pasasalamat kay Michael Cinco

Kasalukyang napapanood si Cassy bilang isa sa mga cast ng GMA soap na My First Yaya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang kinakiligan din kamakailan ang palitan nila ng mensahe ni Darren sa Twitter. Marami din sa mga tagahanga ng tambalang Kyline Alcantara at Darren ang hindi masaya sa pagkakaugnay ng dalawa. Kamakailan nga ay binahagi ni Cassy na nakakatanggap siya ng death threats at hate messages.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel