Delivery rider, nabisto ang modus ng sender; muntik nang mag-abono ng Php2,100

Delivery rider, nabisto ang modus ng sender; muntik nang mag-abono ng Php2,100

- Nag-viral ang video ng isang delivery rider na muntik nang makapag-deliver ng pekeng order

- Minabuting busisiin ng rider ang item at laking gulat niyang starch o gawgaw lamang ang laman nito

- Php2,100 pa naman ang halaga nito na muntik na rin niyang abonohan

- Todo tanggi ang sender at sinasabing napag-utusan lamang siya at tinatawagan niya ang totoong nagpadala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ngayon ang kumakalat kung saan nabisto umano ng isang delivery rider ang modus ng scammer.

Ibinahagi ng Ssob Balita ang naturang video kung saan naalarma rin ang ibang mga delivery rider.

Nalaman ng KAMI na tiningnan muna ng rider ang laman ng kanyang ide-deliver.

Delivery rider, nabisto ang modus ng sender; muntik nang mag-abono ng Php2,100
Photo from Ssob Balita
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagkakahalaga ito ng Php2,100 at cash on delivery pa kaya minabuti nitong busisiin.

Read also

Paggamit ng panukat ng otoridad upang masigurado ang physical distancing, viral

Laking gulat niya nang makitang isang supot ng starch o gawgaw lamang ang muntik na niyang madala sa customer.

Pilit naman itong itinatanggi ng sender at sinabing napag-utusan lamang siya.

Makikita pa sa video na mayroong tinatawagan ang sinasabing sender upang mapatunayang hindi siya mismo ang nagpapadala ng package na may lamang gawgaw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami ang nagsasabing isa sa maituturing na frontliners sa laban nating ito sa COVID-19 ang mga food delivery riders. Sila ang halos buwis-buhay na kumukuha at nagdadala sa atin ng ating mga pagkain habang ang marami sa atin ay nakapirmi lamang sa kanilang tahanan.

Nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kanilang marangal na hanapbuhay ay may mga tao namang nagagawa silang lokohin.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Reaksiyon ng mga Pinay beauty queens sa kanilang fans, kinaaliwan

Matatandaang maging noon pang nakaraang taon 2020, madalas na rin ang mga fake booking na ginagawa sa mga food delivery riders.

Hiling ng marami na matigil na ang ganitong gawain at mabigyang aksyon ng kani-kanilang kompanya upang paano masisiguro na hindi na sila maloloko pa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot: