Kris Bernal, sinabihan ang bashers na mag-unfollow na lang sa kanya

Kris Bernal, sinabihan ang bashers na mag-unfollow na lang sa kanya

- Isang mensahe ang ibinahagi ni Kris Bernal para sa mga taong umano'y hindi masaya para sa kanya

- Sinabihan niya rin ang mga taong walang magandang masabi na mag-unfollow na lamang sa kanya

- Tila napuno na ito sa mga bashers niya na kadalasan ay nagko-komento tungkol sa kanyang pangangatawan

- Isa si Kris sa mga artistang mahilig mag-workout para ma-maintain ang kanilang fit na pangangatawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapagtimpi si Kris Bernal sa mga bashers niya. Sa kanyang Instagram stories ay binahagi ni Kris ang isang mensahe para sa mga taong umano'y hindi masaya para sa kanya at sa mga taong hindi maiwasang magsalita ng hindi maganda sa kanya.

Kris Bernal, sinabihan ang bashers na mag-unfollow na lang sa kanya
Kris Bernal (@krisbernal)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jennica Garcia, umalma sa mga panghuhusga kay Alwyn Uytingco

Aniya, mas maiging mag-unfollow na lang sa kanya ang mga ito dahil sawang-sawa na siya sa mga ganitong uri ng tao.

Kadalasang napupuna kay Kris ng kanyang mga kritiko ay ang kanyang pangangatawan. Gayunpaman, kilala ang aktres bilang palaban at hindi niya pinapalampas ang mga komentong hindi maganda.

Kris Bernal, sinabihan ang bashers na mag-unfollow na lang sa kanya
Kris Bernal IG Story (@kisbernal)
Source: Instagram

Kamakailan nga ay pinagdiwang ni Kris ang kanyang ika-32 na kaarawan at marami ang nagulat sa kanyang mga binahaging litrat sa social media.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kris Bernal ay unang nakilala sa kanyang pagkapanalo sa ikaapat na season ng StarStruck. Siya ay nakilala rin sa kanyang dual role bilang Rosette at Nimfa sa Impostora.

Bukod sa kanyang matagumpay na negosyo, hilig din ni Kris ibahagi ang kanyang workout routines sa kanyang social media account. Marami ang humahanga sa kanyang pagiging masigasig sa pagwo-workout upang makamit ang kanyang #bodygoals.

Read also

Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Gayunpaman, ilang beses nang nakaranas ng body-shaming ang aktres dahil sa kanyang pagpapapayat. Kaya naman, nagbahagi siya ng mensahe para sa mga kagaya niyang nahahamak sa social media dahil sa kanyang katawan.

Matatandaang naging emosyonal ang aktres dahil sa mga hindi kaaya-ayang komento ng mga netizens kaugnay sa kanyang pagpapapayat.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel