Mayor Vico Sotto, ibinahagi ang kanyang pagbabakuna laban sa COVID-19

Mayor Vico Sotto, ibinahagi ang kanyang pagbabakuna laban sa COVID-19

- Ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sott na nakapagpabakuna na nga siya laban sa COVID-19

- Siya umano ang ika-57,858 na Pasigueño na nabakunahan at ibinahagi niya ring AstraZeneca ang bakunang ginamit sa kanya

- Kahit gusto niya noon pang magpabakuna, lagi niya umanong naiisip na may mga mas dapat unahin na high risk, katulad ng seniors

- Gayunpaman, napagtanto niyang ang pagbabakuna ay hindi lang para sa sarili niya, kundi para din sa lahat ng nakakasalamuha niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Alkalde ng lungsod ng Pasig na nakapagpabakuna na rin siya laban sa COVID-19 nitong Sabado. Siya umano ang ika-57,858 na Pasigueño na nabakunahan at ibinahagi niya ring AstraZeneca ang bakunang ginamit sa kanya.

Mayor Vico Sotto, ibinahagi ang kanyang pagbabakuna laban sa COVID-19
Vico Sotto kasama ang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes (@vicosotto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Chito Miranda, nilinaw ang post sa pagpapabakuna matapos kwestyunin ng netizens

Pinaliwanag din niya kung bakit medyo natagalan bago niya napagpasyahang magpabakuna na kahit kabilang siya sa kategoryang A1. Ito ang mga dapat unahin batay sa priority list ng mabibigyan ng vaccine dahil sa kanilang trabaho.

Aniya, lagi niyang naiisip na mayroon pang mas kailangang unahin sa kanya kagaya na lamang ng mga senior citizen. Gayunpaman, napagpasyahan niyang magpabakuna na matapos niyang mapagtantong hindi lamang para sa sarili niya iyo kundi para din sa lahat ng kanyang nakakasalamuha.

Ibinahagi niya rin ang brand ng vaccine na naiturok sa kanya.

Para po sa mga magtatanong, AstraZeneca po ang ginamit sa kin.. hindi na ako nakihati sa dami ng humihingi ng Pfizer - bakit pa?? eh ganun din naman yon... Lahat ng aprubadong brand, nasa 100% ang proteksyon sa severe at bumababa ang tsansa na makapanghawa kung magkasakit man ang nabakunahan na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Basel Manadil, napasaya at natulungan ang Padyak rider na PWD

Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.

Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kinaaliwan ng marami ang pakiusap ni Vico tungkol sa pagpapadala ng kanyang mga nasasakupan tungkol sa kanilang COVID-19 vaccination pictures.

Matatandaang pumanaw ang driver ni Vico matapos itong tamaan ng COVID.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel