DOTr Sec. Art Tugade, gigil-mode sa mga nambaboy sa tren ng MRT-3

DOTr Sec. Art Tugade, gigil-mode sa mga nambaboy sa tren ng MRT-3

-Hindi na napigilan ni Transportation Secretary Art Tugade ang mag-react sa vandalism sa isang bagon ng MRT-3

-Sa isang Facebook post, sinabi ni Sec. Tugade na dapat na maparusahan ang may gawa nito

-Sa isang kuha, ipinakita pa ng opisyal ang ginawang paglilinis sa naturang tren

-Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Dapat parusahan," ito ang naging opinyon ni Secretary Arthur Tugade sa mga sa insidente ng "pangbababoy" sa isang tren ng Metro Rail Transit 3.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Tugade na "walang lugar ‘yan sa sibilisadong lipunan" ang mga tao sa likod ng vandalism sa bagon.

Sa isang larawan na ibinahagi nito sa nasabing post, ipinakita rin ng opisyal ang paglilinis na isinagawa sa tren.

DOTr Sec. Art Tugade, gigil-mode sa mga nambaboy sa tren ng MRT-3
Photo: DOTr Secretary Arthur Tugade (Art Tugade)
Source: Facebook

"Sadyang mga pasaway ‘ang gumawa nito sa ating MRT-3. ‘Yung mga taong ganyan kapasaway, walang lugar ‘yan sa sibilisadong lipunan.

Read also

Kakai Bautista, bumuwelta sa mga taong "panget" ang tingin sa kanya

"Tingnan ninyo ‘yung pahirap na idinulot nila sa ating mga trabahante— ‘Yung oras na pwede sana nilang mailaan sa paggawa ng ibang trabaho, ngayon ay ginugugol nila sa paglilinis ng bagon na dinumihan ng mga pasaway na ‘yan. Ganyan ba ang tama? Mali ‘ho ‘yan.

"Dapat huwag tularan. DAPAT PARUSAHAN."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, sa isang pahayag ng MRT-3, sinabing nakapasok ang mga salarin sa Taft Avenue station sa pamamagitan ng isang "damaged perimeter fence" na noon pa lang umano nadiskubre.

"MRT-3 management actively searching for culprits behind vandalism of train

"The MRT-3 management continues its investigation to track down the culprits behind the vandalism of one of its trains.

"Initial investigation reveals that culprits may have entered Taft Avenue station via a recently-discovered damaged perimeter fence infront of a gasoline station.

"At 8:35 pm yesterday, 12 May 2021, a train driver alerted the station base that a train leaving Santolan station (Northbound) had a vandal on the left side of its car body.

Read also

Eula Valdes, binigyang pugay ang mga delivery riders nang maranansang magmotorsiklo

"According to the driver of the vandalized train, he waited at the wayside area between Magallanes station and Taft Avenue station for the signal, before entering Taft Avenue station platform (Southbound) but did not notice anything unusual," ayon sa pahayag.

Naipa-blotter na rin daw ng management ang insidente sa Pasay City Police Station at patuloy pa rin ang imbestigasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa iba pang report ng KAMI, ilang empleyado ng MRT ang napabalitang nagpositibo na sa COVID-19.

Nag-viral naman ang isang video kung saan sangkot ang ilang empleyado ng MRT-3 ang labis na ikinabahala ng mga netizens.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone