Mystica, umalma sa pahayag daw ni Jam Magno na hindi siya pumapatol sa may sayad

Mystica, umalma sa pahayag daw ni Jam Magno na hindi siya pumapatol sa may sayad

- Hindi tinantanan ni Mystica ang Tiktoker na si Jam Magno kaugnay sa mga pahayag nito laban kay Rabiya Mateo

- Ayon kay Mystica, kailangan niyang supalpalin si Jam upang maipagtanggol ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe

- Inalmahan din nito ang umano'y pahayag ni Jam na hindi umano ito pumapatol sa taong may sayad

- Buwelta naman ni Mystica, nangangahulugan lamang daw ito na may sayad ang TikToker dahil alam niya kung paano kilatisin ang isang taong may sayad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga tagahanga ni Rabiya Mateo ang natuwa sa ginawa ng singer na si Mystica sa TikToker na si Jam Magno.

Sa kanyang panibagong YouTube video, hindi tinantanan ni Mystica ang nasabing TikToker matapos umano nitong sabihing hindi siya pumapatol sa taong may sayad.

Mystica, umalma sa pahayag daw ni Jam Magno na hindi siya pumapatol sa may sayad
Mystica (www.facebook.com/realtalkwithmystica)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mystica, binanatan si Jam Magno sa pambabatikos nito kay Rabiya Mateo

Bwelta naman ni Mystica, "It takes one to know one," kaya talagang may sayad daw si Jam.

Matatandaang umani ng pambabatikos si Jam matapos ang kaniyang reaksiyon matapos nga hindi mapasama sa top 10 si Rabiya sa katatapos lang na Miss Universe 2020.

Kasunod nito ay napabalitang suspindido na ang account ni Jam sa TikTok. Gayunpaman, sinabi nitong hindi na bago sa kanya ang pagkaka-banned sa TikTok dahil nangyari na rin ito umano sa kanya noon at nakabalik naman siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Rabiya Mateo, matapos ang Miss Universe: "We are alright even without the crown"

Kamakailan ay sinagot din ni Mystica si Kris Aquino matapos ihayag ni Kris ang saloobin kaugnay sa paninira sa kanyang mga anak.

Naging kontrobersiyal din ang reklamo niya sa umano'y unfair treatment sa kanya sa seryeng "Owe My Love." Gayunpaman, wala umano siyang sama ng loob nang palitan siya ni Patani sa nasabing show.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel