Pista ng Gumaca, mas naging makabuluhan sa pagbubukas ng kanilang community pantry
- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador sa Gumaca, Quezon, binuksan nila sa publiko ang community pantry ng kanilang bayan
- Natuloy ang kapistahan sa gitna ng pandemya ngunit sa paraang makapag-iingat pa rin ang kanilang mamamayan
- Kung dati'y masaya ang pasyalan at agawan ng mga prutas at gulay na ani ng kanilang mga magsasaka, masaya pa rin silang nakakuha ng mga biyaya mula sa community pantry
- Ayon pa sa kanilang alkalde, masasabing matagal nang nag-umpisa ang konsepto ng community pantry sa kanilang lugar dahil sa taunang pagsasagawa ng "Araña't Baluarte"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kahanga-hanga ang bayan ng Gumaca sa probinsya ng Quezon dahil sa pagbubukas nila sa publiko ng community pantry bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador ngayong Mayo 15.
Nalaman ng KAMI na sa kabila ng pandemya ay tuloy pa rin ang pagdiriwang ng nasabing kapistahan ngunit sa mas ligtas na paraan.
Makikita sa kanilang official Facebook page na "We Love Gumaca" ang ilang kaganapan sa pagbubukas ng kanilang community pantry.
Sa inisyatibo ng alkalde ng nasabing lugar na si Mayor Webster Letargo, naipamahagi pa rin ng mga kababayan nilang magsasaka ang kani-kanilang mga ani bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap sa kabila ng dinaranas na pandemya.
Tradisyon na sa nasabing pista ang pagtatayo ng naggagandahang mga baluarte ng bawat barangay at sinasabitan ito ng mga araña na puno ng prutas at gulay.
Ito ang kanilang paraan upang magbigay pugay sa "Patron ng mga Magsasaka" na si San Isidro Labrador.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Namamasyal ang mga tao sa kada baluarte at sa mismong araw ng pista, matapos na dumaan ang prusisyon, ibabagsak ang mga araña para maipamahagi sa mga tao.
Dahil dito, nasabi ng kanilang alkalde na noon pa man ay may konsepto na ang mga Gumaqueño ng "community pantry."
Kaya naman ngayong taon, kahit walang mga naitayong baluarte ang bawat barangay, nakapamahagi pa rin ng biyaya ang mga Gumaqueñong magsasaka sa pamamagitan ng community pantry kaya naman mas lalong naging makabuluhan ang kapistahan habang patuloy pa rin silang nag-iingat sa COVID-19.
Wala rin umanong ginastos ang LGU ng kanilang lugar dahil lahat ay pawang mga donasyon ng kanilang mga kababayan at magsasaka sa tulong na rin ng Gumaca Municipal Tourism Council.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Matatandaang hinangaan na rin ang bayan ng Gumaca noong nakaraang taon dahil sa pamamahagi nila ng "fresh chicken" sa kanilang mga residente nang sumailalim din ang kanilang lugar sa enhanced community quarantine.
Sa Gumaca rin nagmula ang mga babaeng inmates na unang nakaisip na manahi ng mga face mask na kanila namang ipinamahagi sa mga biktima noon ng pag-alboroto ng Taal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh