Ilang residente sa Quezon, nagpa-bonggahan sa pagluto ng manok na bigay ng LGU

Ilang residente sa Quezon, nagpa-bonggahan sa pagluto ng manok na bigay ng LGU

- Maswerteng nakatanggap ng isang buong fresh chicken ang mga residente ng Gumaca,Quezon

- Kada isang pamilya ay napagkalooban nito bilang bahagi ng marami pang tulong na binahagi ng kanilang lokal na pamahalaan

- Kaya naman tila nagpabonggahan ang mga residente sa kung paano nila niluto ang sariwang manok na natanggap

- Bukod sa manok, nakatanggap din sila ng bigas at mga gulay na pinamimigay ng kanilang mga "bakliners"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang iba't ibang luto ng manok sa Gumaca, Quezon dahil maswerteng nakatanggap ang mga residente roon ng isang buong 'fresh chicken'.

Ito ay bahagi pa rin ng tulong na pinamimigay ng kanilang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Mayor Webster Letargo.

Kasama pa ang "dancing manok na pula", namahagi ang LGU ng sariwang manok sa kada pamilya ng kanilang bayan.

Dahil dito, tila nagpabonggahan ang mga residente roon sa kung paano nila niluto ang isang buong sariwang manok.

Mayroong fried chicken, inihaw na manok, chicken afritada, sopas, chicken curry, pinaupong manok at marami pang iba na binahagi sa socmed ng mga Gumaqueño.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napapa-sana all na lamang daw ang mga nakakakita ng samu't saring putahe sa naturang bayan na maswerteng nakatanggap din ng iba pang ayuda tulad ng 25 kilos na bigas at mga gulay na pinamimigay ng mga "bakliners" ng kanilang bayan. Una na itong nai-ulat ng KAMI.

Laking pasalamat ng mga residente ng Gumaca dahil sa umaapaw na tulong na natatanggap nila ngayong nakararanas pa rin tayo ng krisis dulot ng COVID-19.

Ang bayan ng Gumaca sa Quezon ay kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine (ECQ) tulad ng Metro Manila hanggang Mayo 15.

Bagaman at wala pang naiulat na nagpositibo sa naturang bayan, patuloy pa rin ang pag-iingat ng mga mamamayandoon at masigasig silang sumusunod sa mga panuntunan ng ECQ tulad ng social distancing, madalas na pag-disinfect at pagsuot ng face mask kung kinakailangang lumabas ng bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel