Pilipinas Got Talent finalist na si Joven Olvido, arestado sa buy-bust

Pilipinas Got Talent finalist na si Joven Olvido, arestado sa buy-bust

- Arestado sa isang buy-bust operation sa Laguna si Mark Joven Olvido

- Si Olvido ay dating finalist ng "Pilipinas Got Talent" at tinaguriang "Vape Master"

- Matapos itong makilala sa TV ay nagkaroon ito ng pagkakataong lumabas sa ilang pelikula at sa "Ang Probinsiyano" ng ABS-CBN

- Batay sa report, nasamsam sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at marked money

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado sa isang buy-bust operation sa Laguna ang dating finalist ng Pilipinas Got Talent na si Mark Joven Olvido nito lamang May 14, 2021.

Si Olvido ay tinaguriang "vape master" matapos ang kanyang palabas sa nasabing reality franchise show ng ABS-CBN.

Base sa report ng ABS-CBN News, nakatanggap ng sumbong ang Laguna Provincial Police sa umano'y ilegal na gawain ni Olvido.

Read also

Rabiya Mateo, hinangaan dahil sa kwento sa likod ng kanyang national costume

Pilipinas Got Talent finalist na si Joven Olvido, arestado sa buy-bust
Photo: Joven Olvido on Pilipinas Got Talent Season 6 (screengrab from ABS-CBN' PGT)
Source: UGC

Dahil dito ay nagkasa ng isang buy-bust operation ang pulisya sa pangunguna ni P/Lt. Henry Sasaluyam, ayon naman sa ulat ng PhilNews.

Naaresto si Olvido kasama ang ilang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Region 4 sa Barangay Duhat at nasamsam mula rito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at marked money na nagkakahalaga ng P2,000.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa report ng PEP, dating tricycle driver si Olvido bago naging contestant ng nasabing reality show noong 2018.

Dahil dito, nagkaroon ito ng pagkakataong lumabas sa ilang pelikula tulad ng 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon! (2019) at Unli Life (2018).

Noong 2018, lumabas din si Olvido sa FPJ's Ang Probinsyano ng Kapamilya channel at gumanap na kaibigan ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Read also

Ginang na nakapila para kumuha ng ayuda, patay matapos mapailalim sa 1 truck

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, isang taon na ang nakakalipas nang tuluyang mawala sa ere ang ABS-CBN. Isang malalim na mensahe ang ipinaabot ng CEO nito na si Carlo Katigbak.

Sa isa pang report ng KAMI, nagpatutsada naman ang Kapamilya star na si Vice Ganda kaugnay ng pagkawala sa ere ng ABS-CBN makalipas ang isang taon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone