Ginang na nakapila para kumuha ng ayuda, patay matapos mapailalim sa 1 truck
- Nasawi ang isang 54-anyos na ginang matapos itong mapailalim sa isang truck sa Bulacan
- Isa ito sa mga residenteng naghihintay lang ng ayuda sa City Hall ng San Jose Del Monte nang biglang araruhin ng truck
- Naisugod pa ito sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa labis na pinsalang tinamo nito
- Ayon sa mga report, inatake sa puso ang 57-anyos na driver habang nagmamaneho at binawian din ng buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nasawi ang isang 54-anyos na ginang matapos itong mapailalim sa isang truck sa Bulacan.
Ang biktima na si Analyn Somooc, ay isa sa mga residenteng nakapila para kumuha ng ayuda sa gilid ng City Hall ng San Jose Del Monte nang mag-araro ang truck na pagmamay-ari ng lungsod.
Ayon sa report ng 24 Oras, sa halip na lumiko ay nagdere-deretso ang truck sa lugar kung saan naroon ang mga mamamayang nakapila.
Mabilis na kumalat ang ilang kuha ng video ng aksidente sa social media na kuha ng ilan sa mga naroon.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit kinalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa labis na pinsalang natamo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"May blunt abdominal trauma siya. Though ‘yung abdomen niya was cleared, we did immediately ‘yung mga diagnostic workup. Ang problem talaga namin ‘yung sa chest," ayon kay Erbe Bugay, chief of hospital ng Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte.
Dagdag pa ni Erbe, nabutas din daw ang baga ng biktima dahil sa fractured ribs.
Ang anak ng biktima, naniniwala namang aksidente ang nangyari bagamat nananawagan ang mga ito ng tulong.
Nangako naman ang LGU ng San Jose Del Monte Bulacan na sasagutin ang lahat ng gastos ng biktima.
Ayon naman sa report, ang truck driver na si Herminio Gerona, 57-anyos ay inatake sa puso habang minamaneho ang truck na agad ding pumanaw.
Isa pang babae ang kritikal din ang kalagayan dulot ng aksidente.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa isa pang report ng KAMI, isang 31-anyos na ginang naman ang nawalan ng isang mata matapos salpukin ng isang firetruck.
Isa namang health worker ang namatay matapos makaladkad ng isang tricycle.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh