Jennica Garcia, emosyonal habang nagbebenta ng mga gamit na memorable sa kanya

Jennica Garcia, emosyonal habang nagbebenta ng mga gamit na memorable sa kanya

- Tuluyan nang ibinenta ni Jennica Garcia ang ilang mga gamit na ayaw niya nang dalhin sa lilipatan nilang bahay

- Ito ay para umano makapagsimula siya at ang kanyang mga anak ng panibagong buhay

- Sinabi niya rin na mas maliit ang lilipatang bahay nilang mag-iina at hindi na magkakasya ang lahat ng kanilang gamit

- Hindi naman mapigilang maging emosyonal ni Jennica habang binabahagi ang kwento sa likod ng mga binebentang gamit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasyahan ni Jennica Garcia na tuluyan nang mag-let go at magsimula ng panibagong buhay matapos nga lumabas ang balitang hiwalay na sila ng asawa niyang si Alwyn Uytingco.

Kaya naman, para maiwasang maalala niya ang tungkol sa kanyang pinagdaanan, binenta niya ang ilang mga gamit nila. Hindi din umano ito magkakasya sa kanilang lilipatang bahay.

Jennica Garcia, emosyonal habang nagbebenta ng mga gamit na memorable sa kanya
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya

Habang nagbebenta ay hindi naiwasang magbalik-tanaw ni Jennica. Nagkwento siya kaugnay sa mga alaala ng mga gamit na kanyang binebenta.

Hindi din nito maitago ang kanyang emosyon lalo na nang ikwento niya ang tungkol sa kwento sa likod ng kanyang pulang damit na binili nila para sa isang event kung saan kumpleto umano ang kanyang pamilya.

Sa huli ay pinasalamatan ni Jennica ang lahat ng bumili sa kanyang mga paninda. Aniya, maaring sa tingin ng mga customer ay nagsho-shopping lang sila ngunit ang totooo umano ay natutulungan siya ng mga ito na makapag-move on na at mag let go na sa taong binitawan na siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Read also

Mikee Morada, sinabing parang ayaw na umalis sa bahay ng magulang ni Alex

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang Instagram page.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel