Mikee Morada, sinabing parang ayaw na umalis sa bahay ng magulang ni Alex Gonzaga

Mikee Morada, sinabing parang ayaw na umalis sa bahay ng magulang ni Alex Gonzaga

- Ginawa ng mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga ang Newly-Wed Game matapos ang limang buwan mula nang sila ay ikinasal

- Parehas nilang sinagot ang ilang mga katanungan kaugnay sa kanilang mga natuklasan at natutunan bilang mag-asawa

- Hindi naman kinaligtaan ni Mikee na pasalamatan ang mga magulang ng kanyang asawa dahil sa magandang pagtanggap sa kanila sa kanilang bahay habang hinihintay pang matapos ang pinapagawang bahay nila

- Biro pa niya parang araw niya nang umalis doon dahil sobrang at home na at home umano siya kasama ang pamilya ni Alex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang limang buwan mula nang ikinasal sila, sumabak sa Newly-Wed Game ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga.

Parehas nilang sinagutan ang ilang mga katanungan hinggil sa kanilang pagiging mag-asawa.

Mikee Morada, sinabing parang ayaw na umalis sa bahay ng magulang ni Alex Gonzaga
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Buntis na misis, hinalikan muna ng mister bago itinulak sa bangin

Pinasalamatan ni Mikee ang mga magulang ni Alex dahil sa pagmamahal at magandang pagtanggap ng mga ito sa kanya.

Pansamantalang nakikitira sila sa bahay nila Alex habang hinihintay pa nilang matapos ang kanilang pinapagawang bahay.

Dagdag pa ni Mikee, noon daw ay may nagsabi sa kanyang mahirap makitira sa mga in-laws ngunit para sa kanya ay masayang-masaya siya at at home na at home sa bahay ng magulang ng kanyang asawa.

Biro pa ni Mikee, parang ayaw na niyang umalis doon. Sagot naman ni Alex, si Mikee na lang umano ang maiwan at siya na lamang ang aalis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Kim Chiu, natawa na lang nang mahulog sa entablado ng It's Showtime

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel