83-anyos na lola, lumapit sa 1 rider para humingi ng pangkain dahil sa gutom

83-anyos na lola, lumapit sa 1 rider para humingi ng pangkain dahil sa gutom

- Labis na habag daw ang naramdaman ng isang rider at vlogger para sa isang matandang babae

- Ang 83-anyos na lola, lumapit rito at humingi ng P5 dahil nagugutom na raw ito

- Ayon sa kwento ng matanda, mag-isa na lang ito sa bahay matapos layasan ng mga anak

- Nagpasalamat naman ito dahil sa tulong na inabot ng rider para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na nahabag ang isang rider at vlogger na si Denso Tambyahero sa isang matandang babae na lumapit sa kanya para humingi ng P5.00.

Sa isang YouTube video na in-upload nito, ibinahagi ni Denso ang kanilang pagkikita ng matanda.

Agad naman itong inabutan ng isang lata ng biskwit at P500.00 ng rider nang manghingi ito ng tulong. Nagugutom na raw kasi ito at wala pang kain.

Read also

Lolo na nakatira sa tambakan, nabiyayaan ng bago at maayos na tirahan

83-anyos na lola, lumapit sa 1 rider para humingi ng pangkain dahil sa gutom
Photo: Screen grab from Denso Tambyahero
Source: UGC

Ayon sa 83-anyos na lola, biyuda na ito at nag-iisa na lang sa tinitirahang bahay matapos layasan ng mga anak.

Isang lalaki naman na nagsisilbing tagahatid ni lola sa bahay nito kapag ito ay lumalabas.

Nagpasalamat ito sa rider at sinabing ipagdarasal niya ito.

Sabi ni lola, may mga nag-aabot naman daw ng tulong sa kanya at agad daw siyang pumupunta sa simbahan para ipagdasal ang mga ito.

Makikita naman ang lungkot sa mga mata nito habang siya ay nagku-kwento tungkol sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maraming netizens ang nahabag sa istorya ni lola.

"Kawawa naman si lola sna sa mga anak paalala lng wg natin hayaan mg isa ang ama o ina natin lalo kung tumanda na.tandaan natin na iisa lng ang magulang natin."

"Idol denso sana mapuntahan mo yung bahay ni lola para matulungan mo pa ulit.. mas kelangan nya ng tulong idol."

Read also

Basel Manadil, sinurpresa ang isa niyang aplikante na kanya munang na-prank

"Kawawa naman si nanay,kahit sana mahirap ang buhay wag pabayaan ang magulang."

"Nadurog ang puso ko ng makita ko ganyan si Lola. Sana nmn sa mga anak nya pangalagahan nyo mga magulang nyo."

"Poteks durog puso ko tulo pa luha ko."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, isang matandang babae rin ang nag-viral matapos itong makuhanang umiiyak sa isang community pantry.

Dahil dito, napag-alaman ang tunay na kalagayan ng matandang babae na may matindi palang pinagdadaanan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel