Kuya Wil, inalala ang mga yumaong komedyante na naging bahagi ng "Wowowin"

Kuya Wil, inalala ang mga yumaong komedyante na naging bahagi ng "Wowowin"

- Inalala ni Willie Revillame ang dalawang mga stand-up comedian na naging bahagi ng programa niyang "Wowowin"

- Nito lamang kasing Mayo 1 nang mamayapa ang komedyanteng si Le Chazz na huling nakasama ni Willie sa kanyang programa nitong Pebrero

- Gayundin ang isa pang komedyante na si Kim Idol na pumanaw naman noong Hulyo ng nakaraang taon

- Aminado si Willie na nalulungkot siya sa maagang pamamaalam ng dalawang mahuhusay na komedyante at labis naman niyang ipinagpapasalamat ang pagiging bahagi nila ng 'Wowowin"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pugay si Willie Revillame sa dalawang stand-up comedian na naging bahagi ng kanyang programa na 'Wowowin.'

Nito lamang kasing Mayo 1, natagpuang wala nang buhay ang stand-up comedian na si Le Chazz sa kanyang sariling bahay.

Si Le Chazz ay naging bahagi ng Tutok to Win sa Wowowin at huling nakasama ni Willie noong Pebero.

Read also

Toni Fowler, tuluyan nang ipina-Tulfo ang ex-partner na si Rob Moya

Kuya Wil, nagbigay pugay sa mga yumaong komedyante na naging bahagi ng "Wowowin"
Photo from Willie Revillame
Source: Instagram

Gayundin ang isa pang komedyante na si Kim Idol na namayapa na rin noong Hulyo ng nakaraang taon.

"Nakakalungkot... Nami-miss ko itong mga ‘to. Naging parte ho sila ng programang ito at ng entabladong ito. Noong marami pang tao na nanonood, wala pang COVID, nandito sila"

Inalala pa ni Willie ang ilan sa mga masasayang alaala niya sa dalawang komedyante.

"Kapag kumakain ako, kasama ko sila, sobrang saya, katatawanan"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Dahil tila napalapit na sa kanya ang mga co-host, nagbigay pa raw ng liham na sulat kamay si Le Chazz kay Willie na kanyang ibabahagi sa Biyernes kung saan bibigyan nila ng tribute ang dalawang mahusay na stand-up comedian.

"Sa Friday, I’ll give tribute sa kanilang dalawa dahil ho nakapagpasaya sila sa atin"
"Palakpakan po natin si Kim Idol at si Le Chazz. Salamat sa pagbibigay ninyo ng saya sa amin"

Read also

Komedyante sa 'Wowowin' na si Le Chazz, sumakabilang buhay na

Nangako naman si Willie na magbibigay siya ng suporta sa mga naiwang pamilya ng dalawang komedyante.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Kilala rin siya sa pagtulong siya sa mga kababayan nating nangangailangan at kamakailan nga, boluntaryo siyang magpapahatid ng tulong sa napanood niyang jail doctor sa dokumentaryong "I-witness."

Isa rin siya sa mga tumulong sa mga kababayan nating jeepney drivers na ilang buwang nawalan ng trabaho noong nakaraang taon bunsod ng lockdown.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel