Pamilyang 'di nasilaw sa ₱1 milyon kapalit ng alagang aso, natulungan ng vlogger

Pamilyang 'di nasilaw sa ₱1 milyon kapalit ng alagang aso, natulungan ng vlogger

- Naantig ang puso ng YouTuber na si Basel Manadil sa pamilya na hindi kayang ipagbili ang aso sa anumang halaga

- Kahit pa inalok niya ito ng ₱1 million hindi basta pumayag ang mga ito lalo na ang bata na siyang nag-aalaga sa aso

- Nang maluha na ang bata sa pag-aakalang kukunin na nga ang aso niya, doon sinabi ni Basel ang totoong pakay niya sa pamilya

- Binigyan niya ito ng tulong pinansyal, ilang grocery items at maging dog food para sa alaga nilang aso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang pamilya ang natulungan ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer.'

Nalaman ng KAMI na nagkunwaring bibilhin ni Basel ang aso ng pamilya na nakita niyang sakay ng side car at kariton ng mga ito.

Read also

Toni Fowler, tuluyan nang ipina-Tulfo ang ex-partner na si Rob Moya

Nang ito ay kanyang lapitan, sinabi niya agad ang kanyang interes sa aso

Pamilyang ayaw ibenta ang alagang aso kahit sa halagang ₱1 million, tinulungan pa rin ng vlogger
Photo: Basel Manadil (The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Subalit ang agad na umalma ay ang batang si Jelo na siyang nag-aalaga pala sa aso.

Ayon sa ina ng bata, tuta pa lamang ang asong si "Maskara" ay alaga na ito ni Jelo. Kaya naman ganoon na lamang ang pagtanggi nito nang sabihin ni Basel na nais niya sana itong bilhin.

Kahit pa nagbiro itong bibilhin ang aso sa halagang ₱1 million, lalo lamang umiyak ang batang si Jelo at panay ang sabi ng "ayaw ko."

Doon sinabi na ni Basel ang totoo niyang motibo sa pamilya at ito ay ang matulungan sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Naantig din ang puso ni Basel kay Jelo sa pagmamahal nito sa kanyang aso na hindi niya magawang ipagbili sa anumang halaga.

Dahil dito, nagbigay ng malaking tulong pinansyal si Basel sa mag-anak. Ikinuha pa niya ito ng mga grocery items, bigas, gamit ng baby at maging mga vitamins.

Read also

GF na nanlimas ng Php1.8 million ng kanyang nobyo, nagtatago na

Nang malaman din niyang nalalapit na ang kaarawan ni Jelo sa Mayo 17, binigyan pa niya ito ng panghanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Ilan sa mga grupo na kanyang natulungan ngayong pandemya ay ang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga masu-swerteng delivery riders na nabigyan niya ng tulong pinansyal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica