Ivana at Mama Alawi, ibinahagi ang family recipe sa kanilang "cooking show"

Ivana at Mama Alawi, ibinahagi ang family recipe sa kanilang "cooking show"

- Ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang pinakabagong vlog ang ilan sa kanilang family recipe

- Si Ivan ang bumida sa pagluluto ng kanyang bersyon ng chicken binagoongan

- Ang ina naman niyang si Mama Alawi ang gumawa ng Seafood Thai Style salad

- Kapansin-pansin ang husay ni Ivana sa kusina na ayon pa sa kanyang ina ay nabiyayaan ng "magic" ang mga kamay nito sa pagluluto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Super enjoy sa kanilang bonding sina Ivana Alawi at si Mama Alawi sa pinakabagong vlog ng aktres.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi pala ni Ivana at kanyang ina ang dalawa sa kanilang family recipe, ang 'chicken binagoongan at seafood Thai style salad'.

Unang ipinakita ni Ivana ang kanyang bersyon ng chicken binagoongan. Naikwento pa nito ang ilan sa kanyang natutunan nang pumasok siya sa culinary school.

Read also

Jelai Andres, inilahad ang pagiging sobrang seloso ng kanyang ex

Ivana Alawi, ibinahagi ang kanilang family recipe kasama si Mama Alawi
Photo: Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Naikwento rin niya na hindi mahilig sa karneng baboy ang kanilang pamilya kaya naman madalas na chicken ang kanyang ginagamit sa mga lutuin.

Sunod namang ipinakita ni Mama Alawi ang kung paano niyang ginagawa ang seafood Thai style salad. Ayon pa sa kanya, makakalimutan daw ng titikim nito ang kanyang pangalan dahil sobra itong masarap.

Habang isinasagawa ito ni Mama Alawi, naikwento ni Ivana na isang Thai chef talaga ang nagturo noon sa kanyang ina noong mayroon pa silang restaurant sa Thailand. Paborito rin kasi ito ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Samantala, kapansin-pansin ang husay ng aktres sa kusina na makikitang namana niya sa kanyang ina.

Ngunit ayon kay Mama Alawi, masarap daw talagang magluto si Ivana na animo'y may magic ang mga kamay nito dahil lahat ng inihahain nitong lutuin ay masarap talaga.

Read also

Gigo de Guzman, emosyonal sa pagkabasura ng kasong sinampa laban sa kanila

Narito ang kabuuan ng video ng kanilang nakakatuwang cooking show:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 12.9 million ang kanyang YouTube subscribers.

Marami ang lalong humanga kay Ivana lalo na at madalas niyang maitampok sa kanyang mga vlog ang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, sa video kung saan nag-inuman sila ng kapatid niyang si Hashim ay nakuha pa rin ng aktres na mamigay ng tulong pinansyal kahit na siya ay nalasing na.

Naging usap-usapan din nitong nakaraang buwan ang pagtulong niya sa isang kutsinta vendor na binigyan niya ng tulong pinansyal, mga kagamitan sa bahay at bagong motorsiklo dahil labis niyang hinangaan ito. Matatandaang ang kutsinta vendor na ito ang tumulong sa kanya noong nagpanggap siya bilang isang pulubi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel