Gigo de Guzman, emosyonal sa pagkabasura ng kasong sinampa laban sa kanila

Gigo de Guzman, emosyonal sa pagkabasura ng kasong sinampa laban sa kanila

- Hindi napigilang maiyak ni Gigo de Guzman matapos lumabas ang desisyon tungkol sa kasong sinampa laban sa tinaguriang "Dacera 11"

- Muli niyang naalala ang inang si Claire dela Fuente na pumanaw sa kasagsagan ng pakikipaglaban nila kaugnay sa isinampang kaso sa kanila

- Aniya, sa unang pagkakataon ay tumungo siya sa Makati City hall ang mag-isa dahil noong buhay pa ang kanyang ina ay lagi itong nakaalalay sa kanya

- Sana daw ay naiabot niya rin sa kanyang ina ang kopya ng resolution na ibinaba kaugnay sa pagbabasura ng kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Gigo de Guzman sa ibinabang resolution kaugnay sa kasong sinampa isinampa ni Ginang Sharon Rose Dacera laban sa 11 respondents kaugnay sa pagkamay ng kanyang anak.

Gigo de Guzman, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pagkabasura ng Dacera case
Photo: Gigo de Guzman (@gigodg86)
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mystica, pinagmumura sina Angel Locsin at Liza Soberano

Gigo de Guzman, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pagkabasura ng Dacera case
Screenshot: Gigo de Guzman IG Stories (@gigodg86)
Source: Instagram

Aniya, sa unag pagkakataon ay tumungo siya sa Makati City hall nang mag-isa dahil noong nabubuhay pa ang ina ay lagi niya itong kasa-kasama. Naramdaman niya lalo ang pagkawala ng kanyang ina sa pagkakataong ito.

Gigo de Guzman, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pagkabasura ng Dacera case
Screenshot: Gigo de Guzman IG Stories (@gigodg86)
Source: Instagram

Aniya, kagaya ng napag-usapan nila ng kanyang kasamahan ay ibibigay nila sa kanilang mga magulang ang kopya ng resolution na ibinaba para gumaan ang loob ng mga ito.

Hiling niya ay sana nagkaroon siya ng pagkakataon na maibigay din iyon sa kanyang ina.

Sa panayam sa kanya ng DZRH News sa segment na #ShowbizTalkGanern, tuluyang naiyak si Gigo habang binabahagi ang kanyang saloobin.

Matagal na po kami inosente kami pero nung nabasa po namin, napaiyak po kami. Pati na po ang pagpanaw ng nanay ko kailangan kong pagdaanan, kanina naging emosyonal po ako, naging emosyonal po kami lahat.

Nang tanungin kung kanino siya humuhugot ng lakas sa gitna ng kanyang pinagdadaanan narito ang kanyang naging tugon:

Read also

Barangay officials sa kontrobersyal na "lugaw is essential" viral video, kinasuhan na

Dati po sa nanay ko. Ngayon parang pinaghirapan niya ito. Feeling ko appropriate na tapusin ko ito para sa kanya.

Nilinaw niyang nakapagpatawad na siya para na rin sa sarili niya dahil wala umano itong magandang maidudulot.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa si Gigo de Guzman sa tinagurang 'Dacera 11," ang labing-isang nadawit sa kaso kaugnay sa pagpanaw ng flight attendant na si Christine Dacera. Si Gigo ay anak ng batikang mang-aawit na si Claire dela Fuente na binasagang "Asia's Sweetest Voice."

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nagimbal ang lahat matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Claire matapos itong pumanaw dahil sa cardiac arrest bunsod ng kumplikasyon ng COVID-19.

Kahit nasa gitna ng pagdadalamhati, hindi nakaligtas si Gigo sa pangbabatikos ng ilang bashers.

Read also

Mariel Padilla, pinasilip ang kanyang headband collection

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate