Tsuper ng jeep na naaksidente, nahilo ilang araw matapos na saktan ng mga pasahero
- Naaksidente ang isang jeep sa Olongapo City matapos na mahilo ang tsuper na nagmamaneho nito
- Sinasabing nakaramdam daw ito ng pagkahilo at ang sinasabing sanhi ay ang pagpukpok ng bato sa kanyang ulo ng limang pasahero na ayaw magbayad
- Ilang araw ang nakalipas, kakaiba pa rin ang naramdaman ng tsuper matapos ang insidente ngunit tuloy pa rin ang kanyang pamamasada
- Nakatakas man ang mga suspek, nagbigay ng babala ang pulisya nna malaki pa rin ang posibilidad na mahuli ang mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang 38-anyos na jeepney driver ang pinagpupukpok ng bato ng nasa limang kalalakihang naging pasahero nito na ayaw magsipag-bayad ng pamasahe.
Matapos na saktan ang tsuper na si Dennis Balikad, nakatakas ang mga suspek.
Ayon sa ulat ni Russel Simorio ng GMA Regional TV, naaksidente si Balikad, ilang araw makalipas ang insidente ng pananakit sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Sa mga nag-viral na social media post, makikitang naitabi pa ni Balikad ang minamanehong jeepney matapos na makaramdam siya ng pagkahilo.
Kwento pa ng kinakasama ni Balikad na si Juliet hindi na maganda ang pakiramdam ng tsuper ngunit sinikap nitong mamasada.
Malaki ang sugat na naiwan sa ulo ni Balikad mula sa pamupukpok ng mga pasahero na hinihinalang dahilan ng pagkahilo nito.
Dahil sa hindi pa talaga maayos ang kalagayan ng tsuper, hindi na muna ito nakapasada kaya naman walang pinagkakakitaan ang pamilya niya sa ngayon.
Samantala, sinuguro naman ng pulisya ng Central Luzon na malaki ang posibilidad na mahuli ang walang-awang nanakit kay Balikad dahil wala raw lugar ang mga kriminal sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa sa mga pinaka-apektadong hanapbuhay ngayong pandemya ay ang mga jeepney drivers na matagal na natigil sa pamamasada.
Matatandaan na noong nakaraang taon kung kailan unang sumailalim sa enhanced community quarantine ang bansa ay matinding gutom ang sinapit ng maraming mga tsuper dahil sa biglang pagtigil ng kanilang ikinabubuhay.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Marami sa kanila ang napilitan pang mamalimos para lang may mailaman sa mga kumakalam nilang sikmura.
Mayroon din namang mga pinalad na nakatanggap ng tulong mula sa mga kababayan nating nagmalasakit na biyayaan sila ng tulong pinansyal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh