Jon Gutierrez, handa na umanong pumirma para sa annulment ng kasal nila ni Jelai

Jon Gutierrez, handa na umanong pumirma para sa annulment ng kasal nila ni Jelai

- Muling nagkasagutan sina Jelai Andres, Jon Gutierrez, kapatid ni Jelai na si Candy Andres at bestfriend ni Jelai na si Mary Letim Ponce

- Naging mainit ang sagutan ng mga ito hanggang mismong si Jon na ang nagsabing pipirma na siya sa annulment ng kasal nila

- Ilang beses na nagpakita si Jon ng kanyang interes na ayusin ang kanilang pagsasamang mag-asawa

- Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita si Jon tungkol dito simula nang lumabas ang isyu ng umano'y pangangaliwa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapagtimpi si Jon Gutierrez matapos ang mainit na bangayan na naganap sa kanila ng asawang si Jelai Andres at kapatid nitong si Candy Andres. Kabilang din ang bestfriend ni Jelai na si Mary Letim Ponce sa binanatan ni Jon sa Twitter.

Jon Gutierrez, handa na umanong pumirma para sa annulment ng kasal nila ni Jelai
Jelai Andres and Jon Gutierrez (@easymoneybadger)
Source: Instagram

Agad na pinagtanggol ni Jelai ang kaibigan na umano'y naging karamay niya noong mga panahong sobrang lugmok siya dahil sa ginawa ni Jon.

Read also

Malolos LGU, iniimbistigahan ang umano'y ginanap na pista sa Barangay Look 1st

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din nagpatalo ang kapatid ni Jelai na ilang beses na binatkos si Jon matapos nitong batikusin ang bestfriend ni Jelai.

Kinalaunan ay tila napuno na si Jon at sinabing ipadala na lang daw ni Jelai ang mga papeles at pipirmahan niya na dahil sumusobra na daw si Jelai.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Read also

Andrea Torres, naka-move on na sa hiwalayan nila ni Derek Ramsay

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nagbahagi ng kanyang reaction si Jelai matapos lumabas ang ilang ibedensiya na umano'y nag-uugnay kay Jon sa isang Viva artist.

Inabangan din ang mga pahayag ni Jon sa kanyang guesting sa Mars pa More kung saan nagkwento siya tungkol sa kanila ni Jelai.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel