Toni Fowler, napatawad na ang tunay na ama ng anak na si Tyronia

Toni Fowler, napatawad na ang tunay na ama ng anak na si Tyronia

- Binahagi ni Toni Fowler ang naging usapan ng kanyang anak na si Tyronia at ang tunay na tatay nito

- Humihingi ito ng pasensya sa anak at nais umano nitong makabawi kay Tyronia kung mabibigyan siya ng pagkakataon

- Ayon kay Toni, napagpasyahan niyang magpatawad sa ama ng anak na dati niya nang nakairingan sa social media dahil sa isyu ng sustento

- Nag-sorry din si Toni sa anak niya dahil bata pa lamang ito ay may trust issues na umano ito dahil sa kanilang pinagdaanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasyahan ni Toni Fowler na patawarin na ang biological father ng anak na si Tyronia para mabigyan na rin ito ng pagkakataon na makabawi sa kanilang anak.

Nag-sorry din si Toni sa anak dahil sa kanyang naranasan dahil sa mga desisyon niya sa buhay.

Toni Fowler, napatawad na ang tunay na ama ng anak na si Tyronia
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Anak at dalawang ama na umaako sa kanya, ipapa-DNA test ni Raffy Tulfo

I’ve decided magpatawad sa tatay ni tyronia at magkaron ng pagkakataon na makabawi sya. Sorry anak bata kapalang may trust issues kana kasalanan to ni mommy sorry anak i failed Im sorry

Kasabay nitong mensahe niya ay binahagini Toni ang screenshot ng naging pag-uusap ng mag-ama. Makikita sa nasabing screenshot na nagtanong ang ama ni Tyronia kung galit ba daw ito sa kanya. Humingi din ito ng tawad sa anak.

Sagot naman ni Tyronia, kapag pinatawad siya ng kanyang Mommy Oni ay mapapatawad na rin niya ang ama.

Nais umano nitong makabawi sa anak sa lahat ng naging pagkukulang niya.

Matapos niyang ibahagi ang kanyang mensahe sa Facebook, may mga nangantiyaw na sana ay magkabalikan sila. Gayunpaman, nilinaw ng vlogger na walang balikang magaganap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Jennica Garcia, nagbigay ng payo sa mga asawang may pinagdadaanan

Dumami ang sumuporta sa kanila at maging sa ibang kasamahan nila sa Toro family.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Naging viral kamakailan si Toni matapos niyang ibahagi ang kanyang bagong hairstyle. Naging usap-usapan din ang reaksiyon ni Rob Moya matapos ang paglabas ng mga litrato ni Toni.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel