Pagbibigay ni Angel Locsin sa 1 makeup artist ng GMA, viral; GMA nag-react

Pagbibigay ni Angel Locsin sa 1 makeup artist ng GMA, viral; GMA nag-react

- Mabilis na nag-viral sa social media ang larawan at video ni Angel Locsin at ng isang lalaking nakasuot ng ID lanyard ng GMA Network

- Batay sa mga kumalat na video at larawan, makikitang may inabot si Angel sa nasabing lalaki noong nagsagawa ng pamamahagi sa community pantry ang aktres

- Pero ayon kay Neil Arce, fiancé ni Angel, dating makeup artist ng aktres ang naturang lalaki noong nasa GMA pa ito

- Nilinaw din ng Kapuso network ang isyu at naglabas ng isang statement kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan at video ni Angel Locsin kung saan makikitang may inabot ito sa isang lalaking nakasuot ng ID lanyard ng GMA Network.

Ito ay sa kalagitnaan ng pamimigay ni Angel Locsin ng ayuda mula sa kanyang itinatag na community pantry noong kanyang kaarawan.

Read also

Angel Locsin, humingi ng sorry dahil sa pagkakagulo sa kanyang community pantry

Batay sa isang video, makikita si Angel na busy nang mga oras na iyon. Isang staff nito ang may inabot sa kanya na inabot naman nito sa nasabing lalaki.

Pagbibigay ni Angel Locsin sa 1 makeup artist ng GMA, viral; GMA nag-react
Photo: Angel Locsin poses for the camera (@therealangellocsin)
Source: Instagram

Batay sa pahayag ni Neil Arce, fiancé ni Angel, makeup artist ng aktres ang lalaki noong nasa Kapuso network pa ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nilinaw din ng GMA ang isyu at isang statement ang inilabas.

"Kaugnay po ng community pantry na itinayo ni Angel Locsin, meron pong nagpost sa social media ng larawan at video ng aktres na may iniabot sa lalaking may ID lanyard na GMA Network."

"Ang nasabing lalaki ay hindi bahagi ng GMA News and Public Affairs coverage team. Siya po ay isang talent makeup artist ng isang programa sa GMA. Wala pong koneksyon ang GMA sa kanyang pagpunta sa lugar."

Read also

Lalaking nagsara ang negosyo, nagbigay pa rin ng 3 noodles sa community pantry

"Kinumpirma ng fiance ni Angel sa isang post na ang lalaki ay dating make-up artist ni Angel nang si Angel ay nasa GMA pa," ayon dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Angelica Locsin Colmenares, o mas kilala bilang Angel Locsin, ay isang Filipino film and TV actress, film producer, fashion designer, at commercial model. Nakilala ito sa kanyang pagganap sa Mulawin at Darna ng GMA Network. Noong 2007 nagulat ang marami nang lumipat ito sa Kapamilya Network.

Sa isa pang report ng KAMI, kaagad na humingi ng sorry si Angel matapos magkagulo sa itinayong community pantry at isang matandang lalaki ang nasawi.

Ang pamilya ng nasawi, wala naman daw sinisisi sa nangyari. Ayon sa mga ito ay agad daw silang pinuntahan ni Angel at tinulungan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel