Lalaking nagsara ang negosyo, nagbigay pa rin ng 3 noodles sa community pantry

Lalaking nagsara ang negosyo, nagbigay pa rin ng 3 noodles sa community pantry

- Humanga ang mga netizens sa isang lalaking nagbigay ng kanyang tulong sa Maginhawa community pantry

- Sa kabila ng mga pinagdaanan nito dahil sa pandemya, pinili pa rin nitong mag-abot sa abot ng kanyang makakaya

- Napag-alamang nagsara ang negosyo ng lalaki dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa

- Dahil dito ay napilitan itong magtinda ng kung anu-ano sakay ng isang sidecar sa daan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humanga ang maraming netizens sa isang lalaking nagbigay ng tulong sa Maginhawa community pantry sa kabila ng pinagdaanan nito.

Ayon sa Facebook post ni Jervis Manahan, naghahanda siya para sa kanyang morning live news report tampok ang nasabing community pantry sa Quezon City nang iabot sa kanya ng lalaking nakilala niyang si Alberto DT. Calanza ang tatlong pakete ng noodles.

Inakala pa raw ni Manahan na isa ito sa mga pumila sa community pantry.

Read also

Malacañang, sinabing hindi na dapat pakialaman ang mga community pantry

Lalaking nagsara ang negosyo, nagbigay pa rin ng 3 noodles sa community pantry
Photo: Alberto DT. Calanza (Screen grab from Jervis Manahan)
Source: UGC

"I was preparing for my morning live news report when a man on a cart selling goods (see pic) passed by the Maginhawa Community Pantry. He handed me a plastic bag with three packs of noodles.

"Not knowing what to do with it (and I was busy preparing), I referred him to a volunteer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"He doesn't seem to be well off, and I thought he was one of those who fell in line," sabi ni Manahan.

Nasorpresa pa raw siya nang malamang nais nitong ibigay ng lalaki ang mga noodles para sa mga taong naroon at kailangan ng tulong.

"Got surprised when I learned he was donating those three packs of noodles at the pantry to be distributed for the people.

"He passed by quickly, and I regret not getting his name, but one thing's clear: that those who have less sometimes give more. May he earn more than enough today so he can keep on giving, and may the universe return his generosity tenfold," anito.

Read also

Kapuso actress Gabbi Garcia, nakiisa na rin sa viral na community pantry

Base sa update ni Manahan, napag-alaman nitong nagsara ang negosyong canteen ni Mang Alberto dahil sa pandemya. Kaya napilitan itong magtinda ng kung anu-ano gamit ang isang sidecar.

"Wala sa plano ko nagbigay pero habang papalapit ako (sa pantry), parang may nagbubulong sa akin. Parang natuwa ako kaya ayun, bigla ko lang inabot yung noodles sabay alis parang bula. Inabot ko lang tas tuloy na ako sa trabaho," sabi ni Mang Alberto sa isang panayam dito ng TV Patrol.

"Tiningnan ko yung aking paninda, hindi ko pa naman kailangan, kaya nagbigay ako ng kusa sa loob, ng bukal sa kalooban ko," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Mabilis na nag-viral sa social media ang Maginhawa community pantry na dinagsa na ng tulong. Napag-alaman ng KAMI, na pati mga magsasaka mula sa Tarlac ay nagpaabot na rin ng donasyon.

Read also

Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry

Sa isa pang report, sinabi ng Malacañang na hindi na dapat panghimasukan pa ang mga community pantry matapos ang redtagging issue rito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone