Mga supot ng asin sa isang community pantry, may lamang pera sa loob
- Nasurpresa ang ilang residente nang makita ang lamang pera sa loob ng isang supot ng asin
- Ito ay ipinamamahagi sa isang community pantry sa Dinaga, Cuatro Esquinas sa Naga
- Nagtaka ang ilan dahil medyo malaki ang supot ng asin na ipinamimigay, iyon pala ay dahil sa pera na nasaloob nito
- Marami ang humanga sa nakaisip ng "surpresa" na ito sa loob ng asin at siguradong tuwang-tuwa ang mga nakatanggap nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagulat mismo ang isa sa mga organizers ng community pantry sa Dinaga, Cuatro Esquinas sa Naga nang malamang may lamang pera ang ibinabahagi nilang supot ng asin.
Nalaman ng KAMI na sa loob ng supot ng asin, natatabunan ang supot ng pera.
Ayon kay Melody Miranda Conag, napansin nilang medyo malaki ang pagkaka-repack ng mga asin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ikalawang araw na ng kanilang pamimigay nang sabihin ng kanyang kaibigan nag-donate ng mga asin ang kanyang surpresa sa loob nito.
"Sabi namin medyo malaki pagkarepack. Not knowing na pinaipitan nya pala ng cash donation sa loob ng asin para sa mga makakakuha."
Bumilib maging ang mga netizens sa nakaisip ng ganitong pamamahagi sa community pantry.
Lalo na raw sa panahon ngayon na masyado nang maraming suliranin ang bawat isa dahil sa pandemya, malaking bagay na makakita sila ng surpresa sa loob ng supot ng asin na para talaga sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Tila nagkaroon na nga ng "domino effect" ang community pantry na nagsimula lamang sa Maginhawa, Quezon City.
Nagsilbi itong inspirasyon sa marami na maging sa iba't ibang probinsya tulad ng Bulacan ay nagkaroon na rin ng sariling pantry na malaki ang maitutulong sa mga kababayan nating naghihikahos na mairaos ang gastusin at pangangailangan sa araw-araw.
Maging ang bansang Timor-Leste ay na-inspire sa ginagawa na ito sa Pilipinas kaya naman nagkaroon na rin sila ng community pantry sa isang komunidad sa Rua Governor Serpa Rosa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh