Camille Trinidad at Jayzam Manabat, pina-Tulfo nina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo

Camille Trinidad at Jayzam Manabat, pina-Tulfo nina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo

- Inireklamo nina Dambie Tensuan and Nyca Bernardo sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad sa programa ni Raffy Tulfo

- Ito ay kaugnay sa pagkakadawit nila sa kontrobersiya matapos makarating kay Camille Trinidad ang umano'y ugnayan nila kay Jayzam

- Nais umano nila na linisin ang kanilang pangalan dahil napahiya sila sa publiko dahil sa pangyayari

- Matatandaang lumabas ang tungkol sa umano'y panloloko ni Jayzam matapos ibahagi ng isang netizen ang tungkol sa umano'y paghalik nito sa isang fan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad sa publiko simula nang pumutok ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Jayzam at apat na babaeng umano'y nauugnay sa kanya.

Camille Trinidad at Jayzam Manabat, pina-Tulfo ng nina Dambie Tensuan and Nyca Bernardo
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, nagpapasalamat sa mga babaeng nagsumbong sa kanya tungkol sa asawa

Inireklamo ng dalawa sa mga babae na nakilalang sina Dambie Tensuan at Nyca Bernardo ang tambalang JaMill sa programa ni Raffy Tulfo dahil umano sa pagkakapahiya nila sa publiko dahil sa isyu.

Pinabulaanan ni Dambie ang alegasyon samantalang inamin ni Nyca na nahulog ang loob niya kay Jayzam sa pag-aakalang wala na silang relasyon ni Camille.

Naging palaban si Camille nang pagsabihan niya ang dalawa na sana ay alam nila ang limitasyon nila dahil alam naman nilang may karelasyon si Jayzam at kasama pa nito sa iisang bahay.

“Gusto ko lang sabihin na unang-una pa lang na alam naman nila 'yung tao na may kabahay na di ba? Bakit nila gina-grab ang pagcha-chat ng boyfriend ko kahit alam naman nilang may kabahay na? Kung matino kang babae rereplayan mo ba 'yon kahit anong sabihin sa'yo, 'di ba?”

Gayunpaman, nilinaw ni Idol Raffy na kagaya ni Camille ay biktima lang din ang dalawa at si Jayzam ang dapat umanong sisihin.

Read also

Buknoy Glamurrr at Gabo, sinuspinde at pinagmulta ng management nila

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel