Camille Trinidad ng JaMill, nagpost ng "Happy" selfie sa gitna ng mga isyu

Camille Trinidad ng JaMill, nagpost ng "Happy" selfie sa gitna ng mga isyu

-Nag-post ng kanyang selfie photo ang social media influencer na si Camille Trinidad na may caption na "Happy"

-Ito ay sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanila ng nobyo at kapwa vlogger na si Jayzam Manabat

-Matatandaang nag-viral ang dalawa nitong linggo matapos i-post ng ilang netizen tungkol sa umano'y pang-go-ghosting ni Jayzam sa kanila

-Ngayong araw nang sumambulat naman ang akusasyon ng isang netizen sa umano'y panloloko ni Jayzam kay Camille

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-post ng kanyang selfie photo sa kanyang social media accounts ang social media influencer na si Camille Trinidad. Sa Instagram ay may caption itong "Happy".

Ito ay sa gitna ng isyung ipinupukol sa kanila ng nobyo at kapwa vlogger na si Jayzam Manabat.

Nito lang linggo nang mag-viral ang post ng isang graphic designer na si Renato Moog III tungkol sa "scam issue" nila ni Jayzam.

Read also

Jayzam Manabat ng JaMill, inakusahan ng pang-iiwan sa ere ng 1 pang designer

Camille Trinidad ng JaMill, nagpost ng "Happy" selfie sa gitna ng mga isyu
Photo: Jayzam Manabat and Camille Trinidad (@jayzamlloyd)
Source: Instagram

Ngunit mabilis naman itong naayos ng dalawang panig at sa isang YouTube vlog, ipinaliwanag na rin ni Jayzam ang kanyang side.

Ilang araw lang ang lumipas ay isa pang post ng isang designer ang mabilis na kumalat sa social media tungkol naman sa umano'y pang-go-ghosting sa kanila ng JaMill.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa post ay pumayag si Jayzam sa isang collaboration photoshoot nila ni Camille at ng designer.

Ngunit pag dating ng araw ng shoot ay hindi na raw nakontak pa ang mga ito kahit na nasa labas na ng subdivision nila ang buong team ng designer na bumyahe pa mula Rizal hanggang Nueva Ecija.

Wala pang pahayag ang couple vlogger ukol sa isyung ito.

Ngayong araw ay umugong naman ang balita tungkol sa post ng isang netizen na inakusahan ng panloloko umano ni Jayzam kay Camille.

Read also

18 katao tinamaan ng COVID-19 matapos ang kanilang pagtipon-tipon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ay kilalang mga YouTube vlogger at social media influencer sa bansa. Nakilala ang kanilang tambalan bilang "JaMill" at nagkaroon ng milyon-milyong followers.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel