Jelai Andres, sinuportahan ng mga netizens matapos ang kanyang viral na pahayag

Jelai Andres, sinuportahan ng mga netizens matapos ang kanyang viral na pahayag

- Hindi pa rin maiwasan ni Jelai Andres na ibahagi ang kanyang sama ng loob matapos ang umano'y natuklasang pagtataksil ng asawa

- Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Jelai ang tungkol sa mga bagay na ibinigay niya sa asawa

- Napag-alaman niyang binibigyan din umano ng asawa ang babae ng mga bagay na kanyang ibinigay

- Samantala, kaagad ding binura ni Jelai ang nasabing tweet na umani ng mga komento at reaksiyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng pananahimik ni Jon Gutierrez sa isyung binabato sa kanya, tuloy ang pagbabahagi ni Jelai ng kanyang panig.

Naibahagi niya ang natuklasan tungkol sa mga bagay na ibinigay umano ng isang taong hindi niya na pinangalanan. Binigyan din umano nito ang isang babae ng mga bagay na kagaya sa mga binigay ni Jelai.

Jelai Andres, sinuportahan ng mga netizens matapos ang kanyang viral na pahayag
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya

Marami ang naghayag ng kanilang suporta kay Jelai kasunod ng kanyang ibinahaging ito. Gayunpaman, burado na sa kasalukuyan ang nasabing tweet.

Marami din ang nakapansin na mas palaban si Jelai sa kasalukuyan kumpara noong unang pagkakataon na naghiwalay silang mag-asawa matapos matuklasan ang umano'y pagtataksil ni Jon noon.

Matatandaang isang beses lang siya noon nagsalita sa pamamagitan ng Facebok live at hindi nito napigilang maging emosyonal habang ibinabahagi ang kanyang saloobin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Kaibigan ni Jelai Andres, ibinahagi ang pinagdadaanang hirap nito

Matatandaang inamin ni Jelai na nagkabalikan na sana silang mag-asawa matapos nilang magkasama sa lock-in Taping ng seryeng "Owe My Love".

Samantala, mariing pinabulaanan ng isang social media personality ang mga paratang na siya ang dahilan ng muling paghihiwalay ng mag-asawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel