Kaibigan ni Jelai Andres, ibinahagi ang pinagdadaanang hirap nito

Kaibigan ni Jelai Andres, ibinahagi ang pinagdadaanang hirap nito

- Ibinahagi ng isang malapit na kaibigan ni Jelai Andres ang hirap na pinagdadaanan nito sa kasalukuyan

- Pinakita niya rin ang isang video kung saan makikita ang labis na pag-iyak ng vlogger/actress

- Bukod sa palagi umano itong umiiyak, hindi rin ito nakakakain at nakakatulog ng maayos

- Ayon sa kaibigan ni Jelai, nagpasya siyang ibahagi ang lahat ng iyon para maipagtanggol si Jelai sa lahat ng nanghuhusga sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapagtimpi ang isang malapit na kaibigan ni Jelai Andres. Ito ay matapos ang pambabatikos at panghuhusgang inabot ng vlogger kaugnay sa kontrobersiya nila ng asawang si Jon Gutierrez.

Kaibigan ni Jelai Andres, ibinahagi ang pinagdadaanang hirap nito
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ipinakita nito ang kanilang pag-uusap na magpapatunay na may pinagdadaanan nga si Jelai taliwas sa mga pinapakalat ng iba na gawa-gawa lamang itong isyu para mapansin siya.

Read also

Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya

Isang video din ni Jelai na umiiyak ang ibinahagi nito.

Inihingi niya ng dispensa sa kaibigan ang kanyang pagbabahagi ng kanilang pag-uusap at mga personal na video ni Jelai. Nais lamang niya umanong ipagtanggol ang kaibigan.

Ipinaliwanag din nito na ginawa lang ni Jelai ang kanyang makakaya para sana maayos ang pagsasama nila bilang mag-asawa.

Lets just all pray na matapos na lahat ng to. Madami nag mamahal sayo kambal Jelai Andres. Sorry kambal wag k magalit pinost ko to gusto ko lang pagtanggol ka s nagssabi na gawa gawa lng to storya tulad ng snsabi nila d nila lam pinagdadaanan mo. Dko kaya makita kang ganyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

Jelai Andres, nagbahagi ng panibagong video matapos lumabas ang isyu nila ni Jon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inamin ni Jelai na nagkabalikan na sana silang mag-asawa matapos nilang magkasama sa lock-in Taping ng seryeng "Owe My Love".

Samantala, mariing pinabulaanan ng isang social media personality ang mga paratang na siya ang dahilan ng muling paghihiwalay ng mag-asawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel