Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya

Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya

- Isang netizen ang bumatikos kay Jelai Andres kaugnay sa isyung kinakasangkutan nila ng asawang si Jon Gutierrez

- Pinaparatangan nito si Jelai na gumagawa lang ng isyu para marami pa ang manood sa mga vlog nito

- Sinagot siya ni Jelai ngunit hindi nito inasahan ang magiging tugon ng vlooger/actress sa kanyang pambabatikos

- Hiningi ni Jelai ang Gcash number nito at pinadalhan ng pera kahit pa sobrang naapektuhan siya sa komento nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa naging tugon ni Jelai Andres sa pambabatikos ng isang netizen sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

Hinusgahan siya nito at inakusahang gumagawa na lang ng isyu para mapag-usapan at kaawaan ng tao at para dumami pa ang manood sa vlog nito.

Jelai Andres, pinadalhan ng pera ang netizen na nang-bash sa kanya
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kaibigan ni Jelai Andres, ibinahagi ang pinagdadaanang hirap nito

Agad na sinagot ni Jelai ang netizen at ibinahagi ang kanyang katwiran sa mga akusasyon nito. Gayunpaman, imbes na balikan ng masasakit na salita, ikinabigla ng nasabing netizen na hiningi ni Jelai ang kanyang Gcash number dahil papadalhan niya umano ito ng pera dahil baka gutom lang daw ito.

Biglang kambyo naman ang tono ng pananalita ng netizen at todo-todo ang pasalamat kay Jelai. Makikita sa screenshot na ibinahagi sa Facebook ang transaction ng pagpapadala nito ng pera. Pinadalhan niya ng 3,000 ang basher niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Read also

Jelai Andres, nagbahagi ng panibagong video matapos lumabas ang isyu nila ni Jon

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang inamin ni Jelai na nagkabalikan na sana silang mag-asawa matapos nilang magkasama sa lock-in Taping ng seryeng "Owe My Love".

Samantala, mariing pinabulaanan ng isang social media personality ang mga paratang na siya ang dahilan ng muling paghihiwalay ng mag-asawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel