86-anyos na Pinay, natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa sahig ng ospital sa Canada

86-anyos na Pinay, natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa sahig ng ospital sa Canada

- Isang 86-anyos na Pinay sa Canada ang natagpuang wala nang buhay sa sahig ng ospital

- Una nang sinabi sa kanila ng ospital na inatake umano sa puso ang kanilang ina at maluwag naman nila itong tinanggap

- Laking gulat na lamang nila nang makita sa balita na ang kanila palang ina ay natagpuan sa sahig ng ospital na umano'y napabayaan

- Aminadong masama ang loob ng mga anak sa paghihinalang naging biktima ng diskriminasyon ang kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 86-anyos na Pilipina ang hinihinalang biktima umano ng racism sa Canada ang natagpuang nakahandusay sa sahig ng ospital at wala nang buhay.

Nalaman ng KAMI na tanggap na sana ng pamilya ni Candida Macarine ang pagkamatay nito kung saan inabisuhan naman sila ng Lakeshore General Hospital sa Canada na inatake sa puso ang ina na naka-confine doon dala ng respiratory distress.

Read also

Nasal Mask ng isang Mexican scientist, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa publiko

Subalit ayon sa Yahoo News, laking gulat umano ng mga anak ni Candida nang mapanood sa balita ang mas masaklap na sinapit nito.

86-anyos na Pinay, natagpuang nakahandusay at wala nang buhay sa sahig ng ospital sa Canada
Candida Macarine (Photo from Placido Macarine)
Source: UGC

Sa ulat ng Inquirer, sinabing namukhaan ng isang anak ni Candida ang ina na tinutukoy sa balita na nakahandusay at wala nang buhay sa sahig ng ospital.

Ipinakita rin niya ito sa isa pa niyang kapatid na halos hindi na matapos na panoorin ang kabuuan ng balita nang makita ang kinahinatnan ng ina.

"This is clearly for me racial discrimination. This is racism," ayon kay Placido Macarine isa sa mga anak ni Candida.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ang masaklap, tumanggi na umanong magbigay ng pahayag ang ospital kaugnay sa pagkamatay ng kaawa-awang Pinay.

Nito lamang Lunes, isang buwang makalipas na pumanaw si Candida ay nagsagawa ng online news conference ang mga anak nito na humihingi pa rin ng paliwanag sa ospital na umano'y naging pabaya sa kanilang ina.

Read also

Magnanakaw sa Pasay, ipinangtulong sa may sakit ang nakuhang pera at isinauli ang natira

Ang isa sa mga anak nitong si Gilda na isang nurse ay labis ang pagka-dismaya gayung ginagampanan niya ang kanyang tungkulin subalit ang mismong ina niya ay sinasabing pinabayaan ng mga tulad niyang nurse.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Labis na nakababahala ang patuloy na pagdami ng mga nababalitang Pinoy na biktima umano ng diskriminasyon sa ibang bansa.

Sinasabi kasing tumindi ang "racism" partikular na sa mga Asyano dahil sa China na bahagi nito ang pinagmulan ng COVID-19 na nagpapahirap ngayon sa mundo.

Isa sa mga matinding sinapit ng Pinoy ang paglaslas sa mukha ng isa ring lalaking senior citizen sa subway. Wala pa umanong tumulong kaagad sa kanya na kapwa niya pasahero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica