Basel Manadil, aminadong apektado ang negosyo mula nang bawalan ang indoor dining
- Ikinuwento ni Basel Manadil na labis na naapektuhan ang kanyang negosyo buhat nang malagay sa mas striktong GCQ ang "NCR plus"
- Umabot sa puntong wala talaga silang customer dahil sa pinagbawalan ang indoor dining
- Aminado man na nahihirapan at halos sumuko na, gumawa pa rin ng paraan si Basel na maipagpatuloy ang negosyo
- Ito ay para na rin daw sa 30 na empleyado niyang umaasa sa kanilang mga trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng kilalang YouTube vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer" na apektado rin ang kanyang negosyo na YOLO Retro diner sa pagbabawal ng indoor dining kamakailan.
Nalaman ng KAMI na umabot talaga sa puntong wala halos customer ang restaurant ni Basel dahil indoor dining lamang sila.
Aminado si Basel na nahihirapan siya at halos sumuko sa dami ng pagsubok na kinahaharap ngayong pandemya.
Ngunit ayon sa kanya, ito raw ang tamang panahon na hindi basta sumuko para na rin sa 30 mga empleyado niya na may mga pamilyang umaasa sa kanila.
"Despite the overwhelming feeling of wanting to just give up, it’s actually the most important time not to. Will continue to strive for the people I hired who have families."
Kaya naman gumawa ng paraan si Basel na magkaroon ng "al fresco" dining ang kanyang restaurant.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Ito lamang kasi ang pinahihintulutan sa loob ng dalawang linggo mula noong Marso 22 at tatagal hanggang Abril 4.
Bumili siya ng ilaw, tables at chairs para maayos na makakainan ng kanilang mga customer sa may labas lamang ng kanilang restaurant.
"Because of this new rule of no dine in allowed, its like the same feeling a year ago where we have to shut down our business. But this time around, I will do my best to keep up. They allow outdoor dining, al fresco so we are doing some DIY to make some space in our diners."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan ay malungkot na ibinalita ni Basel na ninakawan ang isang branch niya ng YOLO Retro Diner.
Isa ito sa mga pagsubok na kanyang kinaharap kasabay ng krisis ng pandemya. Subalit sa kabila nito, naisip pa rin ni Basel na magbigay tulong sa mga jeepney drivers na nagsusumikap na maghanapbuhay sa kabila ng tumal ng biyahe.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh