Convicted Calauan Mayor Antonio Sanchez, sumakabilang buhay na
- Pumanaw na ang dating Mayor ng Calauan, Laguna na si Mayor Antonio Sanchez
- Kinumpirma ito mismo ng Bureau of Corrections spokesperson na si Gabriel Chaclag
- Nadala pa umano sa ospital ng New Bilibid Prison si Sanchez ngunit dead on arival na ito
- Nakita siyang walang malay bandang alas siyete ng umaga at idineklarang patay bandang 8:30 ng umaga
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumakabilang buhay na ang 72-anyos na convicted mayor ng Calauan, Laguna na si Mayor Sanchez, ngayong Sabado, Marso 27.
Mismong ang Bureau of Corrections spokesperson na si Gabriel Chaclag ang nagkumpirma ng balita.
Sa panayam ng Inquirer sa BuCor, sinabing bandang alas siyete ngayong umaga ay nakitang tila wala nang malay ang dating alkalde sa kanyang piitan.
Nadala pa umano agad ito sa New Bilibid Prison Hospital ngunit idineklara na siyang "dead on arrival" bandang 8:30 ng umaga.
Magsasagawa pa lamang ng otopsiya sa kanyang bangkay upang masiguro ang dahilan ng kanyang biglaang pagpanaw.
Sa ulat ng GMA News, sinabing nito lamang Setyembre ng nakaraang taon, na-admit pa siya sa National Penitentiary's Hospital dahil sa pagkakaroon ng flu-like symptoms.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Hiniling pa nitong mailipat siya sa Philippine General Hospital dahil na-diagnose siya ng iba't ibang karamdaman tulad ng electrolyte imbalance secondary to acute gastroenteritis, chronic kidney disease, hypertension, at benign prostatic hypertrophy.
Si Sanchez ay nabilanggo noong 1993 sa kasong panggagahasa at pagpatay di umano sa college student na si Eileen Sarmenta ayon sa Philippine Star.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Taong 2019 nang muling mapag-usapan ang kaso ni Sanchez. Inihayag mismo ng Department of Justice at Bureau of Corrections na hindi eligible ang alkalde para sa 'early release' lalo na at maituturing na heinous crime ang kanya di umanong nagawa.
Sa parehong taon din, nanatiling "inosente" umano at wala paring pag-amin sa kampo ni Sanchez kaugnay ng krimen na kanya umanong pinagdudusahan sa bilangguan.
Pitong termino ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon ng pagkakabilanggo ang sintensya sa kanya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh